ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Nov. 6, 2024
Dear Chief Acosta,
Ako ay may dating kasintahan. Noong una ay maayos at masaya ang aming pagsasama. Kasama ng mga masasayang pagsasama na iyon ay ang mga pribado at sensitibo naming ginagawa sa tuwing kami lang ang magkasama, na siya namang kinukuhanan ng aking kasintahan ng videos at mga litrato. Palagi niyang ipinapangako noon na buburahin niya rin ang mga ito. Hanggang sa dumating ang panahon na madalas na kaming mag-away dahil sa walang basehan niyang pagseselos na humantong na nga sa aming paghihiwalay. Matapos nito ay pinagbantaan niya ako na kanyang ilalathala sa Facebook ang mga sensitibo naming videos, maliban na lamang kung bibigyan ko siya ng Php50,000.00. Dahil sa takot ko ay una ko siyang binigyan ng Php25,000.00.
Pagkalipas lamang ng dalawang araw ay nag-post ito sa Facebook, gamit ang isang dummy account, ng litrato kong walang suot na pantaas. Muli siyang tumawag sa akin upang singilin ang balanse ko at karagdagang bayad na Php10,000.00 para tanggalin ang post at para hindi niya rin ilathala ang mga sensitibo naming videos. Sa mga ginawa niyang ito, may pananagutan ba siya sa batas?
— Marie
Dear Marie,
Ang dati mong kasintahan ay maaaring managot sa batas. Ito ay sang-ayon sa Article 294 (5) ng Revised Penal Code (RPC) kaugnay sa Section 6, Republic Act (R.A.) No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012, kung saan nakasaad na:
“Article 294. Robbery with violence against or intimidation of persons; Penalties. - Any person guilty of robbery with the use of violence against or intimidation of any person shall suffer:
Xxx
5. The penalty of prision correccional in its maximum period to prision mayor in its medium period in other cases.”
Ganundin sa Cybercrime Prevention Act of 2012, na:
“Section 6. All crimes defined and penalized by the Revised Penal Code, as amended, and special laws, if committed by, through and with the use of information and communications technologies shall be covered by the relevant provisions of this Act: Provided, That the penalty to be imposed shall be one (1) degree higher than that provided for by the Revised Penal Code, as amended, and special laws, as the case may be.”
Sa kasong Tria vs. People of the Philippines (G.R. No. 255583, 02 August 2023), kinatigan din ng Korte Suprema ang pagkakasakdal ng akusado sa kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons sa ilalim ng Article 294(5) of the Revised Penal Code. Sinabi ng Korte Suprema na:
“Since the Information charging Tria with robbery did not allege any resultant death or bodily injury, Article 249(5) governs. It requires that: (a) there is personal property belonging to another; (b) that there is unlawful taking of that property; (c) the taking is with intent to gain; and (d) there is violence against or intimidation of persons.
Xxx
Clearly, AAA was forced to part with her money in exchange for the deletion of her nude photos posted on her Facebook page. Her compromising photos damaged and continued to damage her family life, reputation, and online business; thus, she felt she had no choice but to accede to Tria’s demands. The taking was deemed complete the moment Tria gained possession of her money. Meanwhile, Tria’s intent to gain is presumed.
Xxx
In view, however, of the use of communication technologies in the commission of the crime, the imposable penalty is raised one degree higher, and Tria’s maximum sentence should be taken anywhere from the range of 12 years, five months, and 11 days to 14 years, 10 months, and 20 days.”
Base sa mga nabanggit, ang pananakot sa iyo ng iyong dating kasintahan na kanyang ilathala ang iyong sensitibong videos gayundin ang nauna niyang pag-post sa Facebook ng iyong nakahubad na litrato at pagtanggal nito kapalit ng pagbayad at pagbabayad mo pa sa kanya ng karagdagang salapi ay maituturing na Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons na pinaparusahan ng RPC. Dahil gumamit siya ng communication technologies gaya ng cellphone at paglathala nito sa Facebook ay mas mabigat na parusa ang puwedeng maipataw sa kanya sang-ayon sa Sec. 6 ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.