ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 26, 2025

Sa may kaarawan ngayong Marso 26, 2025 (Miyerkules): Ikaw ang magbibigay ng suwerte sa mga nakakasama at nakakasalamuha mo. Subalit, mas maganda kung uunahin mo muna ang iyong sarili.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susuwertehin ka sa malalaking ambisyon. Kaya huwag mong tutukan ang maliliit na pangarap, dahil maaari kang mabigo rito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-24-33-35-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi naman mahirap ang paraan upang suwertehin ka. Maglinis at ayusin mo lang ang bahay mo para ulanin ka ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-28-37-41-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon mo subukan ang sikreto kung paano mo maaakit ang mga suwerte. Kaya ano pang hinihintay mo? Kumilos ka na may ngiti upang buwenasin ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-23-32-39-44.
CANCER (June 21-July 22) - Pumunta ka sa lugar na dating may tubig at manatili ka ru’n. Mahirap paniwalaan, pero ito ang sikreto para dagsain ka ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-27-30-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magpasalamat ka kapag pinagpapawisan ka. Hindi na mahalaga kung ano ang dahilan, ang importante ay malaman mo na ito na senyales na dadapo na sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-18-21-24-39-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang magtuturo sa iyo kung saan matatagpuan ang mga suwerte. Hindi ka bibiguin ng isipan mo, dahil dati mo pa naman itong sandata. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-25-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang damit na alam mong lantad ang ganda at katawan mo. Huwag mong kakaligtaan na may isang batas ng katalagahan na, ang maganda ay lapitin ng suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-20-28-30-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manahimik ka, ganu’n lang ka-simple. Sa pananahimik, ang tao ay nakakapag-isip ng sikreto kung paano siya mas susuwertehin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-21-26-38-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang kapalaran mo. Kapag pinakitaan mo sila ng maganda, agad kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-15-27-34-36-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo maikakaila na may tinatago at iniingatan kang gamit. Ilabas at linisin mo ito para mapasaiyo na ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-20-22-25-33-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hangin ang buhay mo, kaya hangin din ang suwerte mo. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-12-17-26-34-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pahalagahan mo ang nasa malayo, kahit pa hindi ka maintindihan ng mga nasa malapit. Gawin mo ito, dahil ayon sa kapalaran mo, ito ang sikreto para suwertehin ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-15-23-28-35.