top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 12, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 12, 2025 (Miyerkules): Langit mismo ang magpapaganda sa kapalaran mo. Ito ang mangyayari kahit pa panghinaan ka ng loob. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumuha ka ng lakas sa iyong mga inspirasyon, dahil kung sarili mo lang ang iyong aasahan, maaaring talunin ka ng mga negatibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet; Tips sa lotto-8-10-14-28-30-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Balikan mo ang iyong mga nakaraang tagumpay. Makikita mong ang kinakaharap mong pagsubok ay hindi naman kasing laki at bigat ng mga nalampasan mo na. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-18-23-39-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang mga taong kumokontra sa iyo. Tulad dati, wala naman silang magagawa kundi ang mamangha sa mga magagandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-27-29-37-45.


CANCER (June 21-July 22) - Sukatin mo ang pagkatao ng mga nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Hindi na dapat pang maulit ang nakaraan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-15-20-25-36-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Malaking hamon para sa iyo na bigyang katuparan ang pangarap mong mag-abroad. Ibinabalita rin ng iyong kapalaran na malalaking tagumpay ang mapapasaiyo sa oras na nakapangibang-bansa ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-24-33-39-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muli kang papahiramin ng lakas ng isang tagapayo mo na kahit pamamali-mali ka ay hindi ka iniiwan. Siya rin ang magsisilbi mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-26-34-38-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Kung ano ang magaan at madaling gawin, ‘yun ang piliin mo. Muli, huwag mo nang pahirapan pa ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-16-22-29-33-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Habang hinahamon ka, mas lumalabas ang galing at husay mo. Kaya wala kang dapat ipag-alala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-15-18-23-39-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Paramihin mo ang maliliit na suwerteng dumadapo sa iyo. Ito ang magsisilbing binhi ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-16-20-34-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit maliit na bagay ay pinapalaki mo. Iwasan mo ito ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-13-17-26-32-42. 


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Labanan mo ang sarili mong kahinaan. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paglalabas mo ng magagandang katangian. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-19-24-39-44. 


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maaari kang mag-alinlangan sa araw na ito. Gayunpaman, ngayon naman darating ang mga suwerte mo sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-14-22-30-39.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 11, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 11, 2025 (Martes): Malalaking tagumpay ang nakalaan sa iyo. Kaya naman, makakaasa ka na aalalayan ka rin ng langit ngayon. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kinakalawang ang bakal. Ibig sabihin, walang matigas at matibay na bagay rito sa mundo. Ang lahat ay may kahinaan. Kaya samantalahin mo ito hanggang sa tuluyang kang umunlad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-24-28-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapusin mo na ang dapat mong tapusin, dahil ang mga bagong suwerte ay hindi basta-basta dumadapo. Masuwerteng kulay-beige.Tips sa lotto-9-11-14-23-39-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakukuha ng mga taong mapagpilit ang kanyang gusto, habang wala namang napapala ang mga taong ‘di nagseseryoso. Ipakita mo lang na gusto mo ang isang bagay at makakaasa ka na mapapasakamay mo ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-24-32-39-42.


CANCER (June 21-July 22) - Gumawa ka ng maganda para makaani ka ng maganda. Pero kapag nagtanim ka ng sama ng loob, tiyak na makakaani ka rin ng sama ng loob. Ito ang gawin mong gabay sa bawat pagkilos mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-27-31-33-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit hindi mo gusto ang ugali ng isang tao, tulungan mo pa rin siya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-25-31-36-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong tapatan ng galit ang taong galit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-10-14-22-39-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit ka titingin sa mga hindi maganda? Hindi mo ito dapat gawin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-24-27-30-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lahat ay may pangangailangan. Tanggapin mo ang katotohanang ito. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-12-16-22-35-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) -  Hindi hinahanap ang mga taong walang kakayahang tumulong sa kapwa. Kaya tumulong ka upang makatanggap ka ng magandang balita. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-14-21-29-38-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, ipinapaalala sa iyo na ang lahat ay kailangan ng pahinga. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-25-28-31-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mong pasanin ka ng mga taong mahal mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-27-31-39-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunsintihin mo ang sarili mo. Ngayon ka makakaramdam ng kakaibang saya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-23-33-36-40.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Mar. 10, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 10, 2025 (Lunes): Magtiwala ka lang, dahil mapalad ang tulad mo na isinilang sa petsa ng 10. Ibig sabihin, sa loob ng sampung araw, anuman ang iyong maranasan, langit mismo ang magpapaganda ng iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sisingit sa iyo ang masayang alaala na parang patak ng tubig sa tag-init. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-19-27-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Patuloy kang bibigyan ng pagkakataon na ipagpatuloy ang mga plano mo na kumita ng malaki. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-17-25-37-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka lang nang kumilos. Makikita mo, kusang malalaglag ang mga negatibong puwersa na gusto kang talunin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-22-30-33-38.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakagulat ang kapalaran mo ngayon dahil bukod sa magbubunga ng maganda ang gawa ng iyong mga kamay, makakatanggap ka pa ng dagdag-suwerte mula sa langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-28-35-39-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang mamahinga. Labanan mo ang nakasanayan mong kapag maganda ang buhay ay humihinto ka sa iyong kasipagan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-20-27-34-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag-pormula ng tagumpay ang ilalagay ng langit sa isip mo. Ito ang mensahe para sa iyo Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-17-28-33-35-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magbawas ng mga kaibigan, dahil sila ang makakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-12-22-24-39-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipinapaalala sa iyo na ang dagat ay binubuo ng mga patak ng tubig. Ibig sabihin, hindi ka puwede sa biglaang malalaking kita. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-25-35-37-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli, hindi pa tapos ang masusuwerte mong araw. Sa katunayan, ngayon pa lang nagdaratingan ang iba pang nakakagulat na mga suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-16-20-27-38-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gusto ng langit na mamahinga ka kahit sandali lang. Sa pamamahinga mo, babalik sa alaala mo ang mga panahon na masaya ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-19-22-39-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumikilos ang iyong kapalaran para mas madagdagan ang mga taong makakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-13-25-32-35-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gawin mo kung ano ang gusto mong mangyari. Ito ang gabay para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-19-29-31-36-44.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page