ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 22, 2024
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 22, 2024 (Linggo): Marami ang susuwertehin dahil sa iyo. Gayunman, unahin mo pa rin ang iyong sarili.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dapat mong malaman na ang pinakamabisa mong pampasuwerte ay ang mga bagay na gawa sa bakal na noon mo pa iniingat-ingatan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-21-30-34-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pumitas ka ng bulaklak o ‘di kaya manghingi ka, ito ang pampabuwenas mo ngayong Kapaskuhan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-25-39-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na pinapayuhan ka ng iyong kapalaran na magpaaraw. Kapag nasinagan ka ng araw, bukod sa mapapawi ang masama mong pakiramdam, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran pa ang mag-uunahang dumating sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-28-32-40-44.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang mag-diet ngayon, dahil mas dadapo sa iyo ang suwerte kapag puno ng pagkain ang iyong tiyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-21-24-35-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sikat ng maliwanag na buwan ang iyong pinakamalakas na pampabuwenas. Lumabas ka ng bahay o ‘di kaya’y buksan mo ang inyong mga bintana at hayaan mong pumasok ang sikat ng buwan sa loob ng inyong bahay na magbibigay sa iyo ng suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-22-26-34-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makinig ka ng mga masasayang musika, sabayan mo ito at kumanta ka, dahil ang pinakamalakas mong pampasuwerte ngayon ay ang mga awiting nakakapagpaindak. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-17-20-25-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang damit na kita ang iyong natatagong ganda. Ikaw ay pinapayuhan na dapat nasa loob ka lang ng sarili mong bahay. Sa ganitong paraan, mas susuwertehin ka pa. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-3-16-21-24-33-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit gusto muna ang ayos ng iyong bahay, muli mo itong bigyan ng bagong kaayusan. ‘Yun bang mas maluwag at maganda, kapag nasunod mo ito, ang mga suwerte ay agad na papasok sa bahay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-13-22-35-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Simple lang ang paraan para suwertehin ka. Huwag kang yuyuko na para bang ayaw munang harapin ang mga hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-18-21-24-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gusto mo ba ng malalaki at dambuhalang suwerte? Kung oo ang iyong sagot, kapag may nagbigay sa iyo, huwag mo agad tatanggapin, kumbaga magpakipot ka muna. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-12-23-39-42-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabigat man sa iyong kalooban, patawarin mo na ang mga nagkasala sa iyo, nang sa gayun ay mas gumaan ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-22-27-31-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakaiba ang paraan upang suwertehin ka. Ito ay nagsasabing unat-unatin mo ang iyong mga paa, o ‘di kaya maglakad-lakad ka sa loob ng bahay o sa sariling kuwarto mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-19-26-30-36-42.