ni Maeng Santos | July 19, 2020
![Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_15a6021d6ba74af78cfabd88668dd09c~mv2.jpg/v1/fill/w_740,h_443,al_c,lg_1,q_80,enc_avif,quality_auto/2fdd27_15a6021d6ba74af78cfabd88668dd09c~mv2.jpg)
Umabot na sa 1,411 ang kabuuang bilang ng mga nahuling lumabag sa iba’t ibang ordinansa na ipinatutupad kaugnay ng 14-araw lockdown dahil sa COVID-19 sa Navotas City hanggang alas-10:00 ng umaga kahapon.
Ayon sa Navotas Police, 1,329 sa mga lumabag ay nasa hustong gulang habang 82 naman ang menor-de-edad.
Sinabi naman ni Mayor Toby Tiangco, na isa ang patay sa COVID-19 sa lungsod habang 50 ang nagpositibo sa sakit at 18 naman ang gumaling na.
Batid umano niyang may mga tutol sa lockdown dahil naapektuhan nito ang kanilang kabuhayan ngunit nararapat unawain ng kanyang nasasakupan na kapag hindi naghigpit, patuloy na lolobo ang bilang ng mga mahahawaan at maaaring ‘di na ito kayanin ng health care system ng lungsod.