ni Madel Moratillo | September 15, 2020
Umakyat na sa 265,888 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 4,699 mga bagong kaso ng virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 1,498.
Sinundan ng Cavite na may 221 new cases, Bataan na may 198, Bulacan na may 185 at Batangas na may 176.
Nakapagtala naman ang DOH ng 249 na bagong gumaling mula sa sakit.
Dahil dito, umakyat na sa 207,504 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa COVID-19 sa bansa.
Nakapagtala naman ng record high na 259 na bagong nasawi ang DOH dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 28 ay nasawi ngayong Setyembre, 110 noong Agosto, 97 noong Hulyo, 22 noong Hunyo, 1 noong Mayo at 1 noong Abril.
Sa ngayon, pumalo na sa 4,630 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.
May 27 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na kanilang nai-report kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.