ni Madel Moratillo @News | September 7, 2023
Hindi umano magiging pangmatagalan ang ipinatutupad na price ceiling sa bigas.
Ayon kay Trade and Industry Asec. Agaton Teodoro Uvero, posibleng abutin lang ito ng ilang linggo o isang buwan. Inaasahan kasing huhupa rin ang presyo nito sa oras na magsimula na ang anihan.
Kapag marami ng suplay ng bigas, sunod ay bababa na ang presyo nito.
Sa pagtaya ng opisyal, posibleng sa susunod na 3 linggo lang ay bumuti na ang suplay ng bigas.
Ang napag-usapan rin naman aniya ay hindi lalagpas ng 1 buwan.
Sa ilalim ng inaprubahang executive order ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., itinakda ang price ceiling sa regular milled rice sa P41 kada kilo, at P45 kada kilo sa well-milled rice.