ni Madel Moratillo | February 23, 2023
Ibinasura ng Sandiganbayan ang ill-gotten case na inihain laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. at iba pa sa Sandiganbayan dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Sa 156-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Fifth Division, ibinasura ang Civil Case laban kina dating Pangulong Marcos Sr., misis na si Imelda; Luis Yulo; Roberto Benedicto; Nicolas Dehesa; Jose Tengco, Jr.; Rafael Sison; Cesar Zalamea at Don Ferry.
Dahil umano sa napakalaking loan mula sa mga state-run financial institutions na pabor sa kumpanya na nasa ilalim ng kanilang kontrol.
Sa desisyon ng anti-graft court, nakasaad na hindi napatunayan sa pamamagitan ng ebidensya na ang mga property na subject ng kaso ay pag-aari ng mga Marcos.
Giit ng korte, umasa lang ang prosekusyon sa affidavit ni Rolando Gapud na nagsilbi umanong financial advisor ng dating Pangulo.
Gayunman, maituturing umano itong hearsay lang dahil hindi naman naisalang sa witness stand si Gapud.
Ibinasura rin ang kaso laban sa iba pang akusado dahil sa parehong dahilan. Ang nasabing kasong sibil ay isinampa sa pamilya Marcos matapos ang 1986 EDSA People Power Revolution.