ni Madel Moratillo | March 11, 2023
Naglabas ng temporary ban ang Department of Agriculture (DA) sa lahat ng pork products mula Singapore dahil sa outbreak ng African swine fever (ASF).
Sa isang memorandum na inilabas ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, nakasaad na kasama sa sakop ng ban ang pagpasok ng domestic at wild pigs maging produkto nito kasama na ang mga balat at karne.
Batay sa nasabing memo, ang Singapore ay hindi accredited para mag-export ng kahit anong swine-related commodities. Pero maaari itong makapasok sa pamamagitan ng hand-carried products, kaya inilabas ang kautusan ng DA.
Ang mas mahigpit na patakaran ng DA ay matapos may maitalang bagong kaso ng ASF sa bansa.
Una rito, sa Carcar City, Cebu, may mahigit 50 samples ang nagpositibo sa ASF, na unang kaso sa probinsya.