ni Madel Moratillo | March 19, 2023
Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang isang reklamo ng illegal possession of firearms and unlawful possession of explosives laban kay Negros Oriental Cong. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr.
Ayon kay DOJ spokesperson Asec. Mico Clavano, nabasura ang kaso dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya laban kay Teves.
Hindi rin umano naaresto ang mambabatas sa ginawang raid ng mga awtoridad.
Ang mga armas ay nasa kustodiya ng isang “Roland Aguinsanda Pablio”.
Pero sa kabila nito, sinabi ng DOJ na nahaharap pa rin si Teves sa 7 iba pang reklamo ng illegal possession of firearms, ammunition and explosives at mga anak nito.
Si Teves ay una nang hinikayat na bumalik na sa bansa. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, wala na sa Amerika si Teves at sa halip ay nasa isang bansa sa Asya.