ni Madel Moratillo / Mai Ancheta @News | July 31, 2023
Walo hanggang 11 bagyo pa ang tinatayang papasok sa Pilipinas hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay PAGASA Deputy Administrator Dr. Nathaniel Servando, aasahan ang mas malalakas na bagyo sa pagitan ng Setyembre at Oktubre.
Samantala, umabot na sa 16 ang naitalang nasawi dahil sa Super Typhoon Egay at sa Habagat. Sa report ng NDRRMC, may 52 naitalang sugatan habang 20 ang nawawala.
Pumalo naman na sa P5.9 bilyon ang naitalang pinsala sa imprastraktura at agrikultura.
Nasa 22 libong bahay naman ang nasira na tinatayang aabot sa P344K ang halaga. May mahigit 1 milyong residente naman ang naapektuhan ng Bagyong Egay sa 13 rehiyon ng bansa.
May 40 na lugar ang nagdeklara ng state of calamity dahil kay 'Egay' at Habagat.