ni Madel Moratillo @News | August 3, 2023
Umabot na sa mahigit 7 bilyong piso ang naitalang pinsala ng Super Typhoon Egay at Habagat sa mga imprastraktura sa Cordillera Administrative Region, Ilocos region, Cagayan Valley, at Central Luzon.
Sa report ng Department of Public Works and Highways, sa flood-control structures naitala ang pinakamalaking pinsala na umabot sa P5.6B, P1.2B sa mga kalsada at P162.6M naman sa mga tulay.
Sa Cordillera Administrative Region, 9 pa ang nananatiling hindi passable sa mga motorista kabilang sa mga apektado ay sa Abra, Apayao, Mt. Province, Kalinga at Ifugao.
Sa Region 1 ay apektado pa sa Ilocos Sur, at Pangasinan.
Sa Region 3 naman ay sa Pampanga.
May 11 kalsada naman sa CAR, Regions 1, 3 at 6 ang may limited access sa mga motorista dahil pa rin sa nag-collapse na lupa, road slip, rockslide, landslide at baha.