ni Madel Moratillo @News | August 6, 2023
Naaalarma na ang Commission on Population Development sa pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy.
Ayon kay CPD Executive Director Lisa Bersales, sa kanilang monitoring nitong 2022 nasa 5.4 porsyento ng mga nasa edad 15 hanggang 19 ang nabubuntis.
Bagama't mas mababa na ito kumpara sa 8.5% noong 2017, mataas pa rin aniya ang 5.4%.
Pero mas nakakaalarma aniya ang tumataas na trend ng mga nabubuntis sa mga batang babae na nasa edad 10 hanggang 14.
Noong 2016, may naitala aniyang 21.6% sa nasabing age group ang nabuntis.
Ayon kay Bersales, ang maagang pagbubuntis ay may epekto sa katawan ng bata sa kanyang pagtanda.
Ang mga babaeng nasa edad 10 hanggang 19 aniya ay nasa stage palang dapat ng preparasyon sa adulthood at hindi sa pagbubuntis.