ni Lolet Abania | Pebrero 4, 2023
Patuloy na makakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa Luzon, ayon sa PAGASA ngayong Sabado.
Base sa 4PM weather forecast ng PAGASA, makararanas ang Visayas, Mindanao, at Palawan ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-uulan o thunderstorms dahil ito sa localized thunderstorms.
Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat sa posibleng flash floods o landslides dahil sa severe thunderstorms.
Habang ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-uulan.
Ayon sa PAGASA, “the wind speed forecast for Luzon and Visayas will be moderate to strong, while coastal water conditions will be moderate to rough.
” Makararanas naman ang Mindanao ng mahina hanggang sa katamtamang bugso ng hangin na may bahagya hanggang katamtamang kondisyon ng coastal water, batay pa sa weather bureau.