top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 23, 2025





Bibilib ka naman dito kay Xian Lim, wala ring sinasayang na oras and he never stops learning. Parang nakalista na kung ano ang mga gagawin niya para hindi nasasayang ang oras niya at laging nagwo-work ang brain cell.


Pagkatapos ng training maging private pilot, heto at back to school naman siya.


Nag-post si Xian ng photos niya habang nasa De La Salle College of Saint Benilde School of Design and Arts. May photo pa siyang nasa harap ng piano at alam natin na nagpa-piano siya at isa lang ito sa 17 musical instruments na kanyang tinutugtog.


May photos din na kasama ni Xian ang ilang professors at students. 

“It’s finally happening,” ang caption ni Xian sa kanyang post at may hashtag na #BenildeLikeNoOther.”


Maaalalang katatapos lang ni Xian ng training para maging private pilot at nagpapalipad na siya ng eroplano. Tanong ng mga fans ni Xian, ano pa ang hindi nito alam gawin? Ang next question nila ay ano ang susunod niyang gagawin o pag-aaralan?  


 

“Producer era” muna si Alden Richards habang wala pa siyang movie assignment at habang hinihintay magsimula ang taping ng bagong show na iho-host niya sa GMA-7. Wala talaga siyang sinasayang na oras at marami siyang puwedeng gawin.


Marami ang nagulat nang i-announce ni Alden ang “98  Degrees Live In Manila Soon!” na ang ibig sabihin, darating sa bansa for a concert ang American pop/ R&B band na sumikat noong ‘90s. Marami pang fans ang pop band at natuwa sila sa announcement na ito.


Ang Myriad Corporation ni Alden, Viva Entertainment at Viva Live ang magko-collab to produce the said concert. Hindi pa in-announce ang date ng concert at ticket prices, pero dahil mahal ang ticket prices sa mga concerts ngayon, magsisimula nang mag-ipon ang mga fans ng 98 Degrees. Pati ang mga fans ni Alden, kahit hindi mga fans ng pop band, manonood ng concert bilang suporta sa aktor.


Actually, ilang linggo lang naman magpapahinga si Alden dahil nabanggit nito na sa March, simula na ang taping niya sa bagong show na iho-host sa GMA-7. Kahit June pa ang airing, kailangan na nilang magsimulang mag-taping.


As for his next movie and series, pahinga muna si Alden, pero sandali lang ito dahil kapag may magandang offer na dumating sa kanya, siguradong hindi niya tatanggihan.


 

BIRTHDAY ni Jillian Ward this Sunday, February 23, at 20 years old na ang Kapuso actress na nang una naming makita ay hindi pa marunong magsulat. Ipinasulat namin ang pangalan niya sa aming notebook at dahil hindi pa nga marunong magsulat, puro lines ang isinulat nito.


Dalaga na si Jillian ngayon at ang magandang balita, pinayagan na siya ng mom niya na magpaligaw at pati na siguro magkaroon ng boyfriend. 

Sabi nito sa isang interbyu, okey na sa mom niya na kiligin siya sa guy at magkaroon ng inspirasyon.


Natuwa ang mga fans ni Jillian at nag-uunahan na sa pagpu-push ng kanilang mga bet para sa aktres. Matunog ang mga pangalan nina Raheel Bhyria na nakasama ni Jillian sa Abot-Kamay na Pangarap (AKNP) at Michael Sager na nakasama rin niya sa nasabing afternoon soap at leading man ngayon sa My Ilonggo Girl (MIG).


Sino kaya sa dalawang boys ang mauunang mag-greet ng happy birthday kay Jillian at sino ang mauunang magbigay ng flowers? 


Last Valentine’s Day, parehong nagbigay ng roses ang dalawang aktor, may dagdag na gift nga lang si Michael dahil binigyan niya ng heart-shaped Dunkin Donuts si Jillian at may kasama pang salad.


Anyway, malapit na ngang magtapos ang MIG at wish ng mga fans nina Jillian at Michael, matuloy ang rom-com movie na pinaplano para sa kanila. Saka, kailangan ni Jillian ng movie para mas ma-push siya into a bigger actress. Sayang ang suporta ng mga fans kung wala siyang pelikula.

 
 

ni Phamela Gabriela Manuel (OJT) @Life & Style | Feb. 22, 2025





Naghahanda ka na rin ba para sa paparating na Licensure Examination for Teachers (LET) ngayong 2025? 


Todo-review na rin ba ang ginawa mo, subalit pakiramdam mo ay kulang pa rin? Kung ‘yan ang isa sa mga pinoproblema mo, don't worry, dahil narito ako para tulungan kayo!   

  1. ALAMIN ANG STRENGTHS AT WEAKNESSES.  Puwede mong isulat sa isang papel kung saan ka nahihirapan at nadadalian – ito ay isang paraan upang ihanda ang iyong sarili, nang sa gayun ay madali n’yong malaman kung ano ang uunahin at pagpopokusan ng oras.

  2. ALAMIN ANG SARILING PAMAMARAAN NG RE-REVIEW. Maraming paraan ang pagrerebyu. Pero, hindi porke nagwo-work sa iba ang kanilang technique ay magwo-work na rin ito sa iyo. 


Kaya naman, alamin mo kung saang paraan ka komportable, nang sa gayun ay makapagpokus ka sa mga bagay na dapat mong bigyang pansin. 


  1. GUMAWA NG SCHEDULE. Kapag naitala n’yo na ang no. 1 at 2, puwede ka nang gumawa ng schedule. 


Karamihan sa atin ay bet ang pagre-review tuwing madaling araw, dahil sa ganitong mga oras ay wala nang gaanong distraction at tahimik pa ang lugar. ‘Di ba? 

Sa paggawa ng iskedyul, mahalaga na maitala kung ano ang babasahin kada araw. 

Subalit, hinay-hinay lang mga Ka-BULGAR, oki? Huwag ilaan ang buong araw sa pagbabasa. ‘Ika nga, One step at a time”. Gets?

  1. MATULOG AT MAGPAHINGA. Mahirap naman mag-review at magpokus kung kulang ka sa tulog. Importante na makapag-restart din ang inyong katawan, matapos ang mahabang pagbabasa. 


Ang sapat na tulog ay makakatulong upang magkaroon ng sapat na enerhiya at makapagpokus sa mga bagay na mas kinakailangan.


Napakahalaga mag-review, subalit ‘wag n’yo namang ubusin ang inyong araw at oras sa pagbabasa. Lalo na’t hindi naman lahat ng binabasa mo ay lalabas sa araw ng exam. 

Ang pagre-relax at pag-i-enjoy ay nakakatulong din upang mabasawan ang pressure na inyong nararamdaman. 


  1. IWASANG MAG-OVERTHINK. May mga araw na hindi mo talaga maiiwasan ang makaramdam ng stress o pag-o-overthink, lalo na kung nalalapit na ang araw ng exam. 


Subalit, kung puro negatibo ang inyong utak, sa tingin mo ba ay makakapagpokus ka pa? Hindi na, ‘di ba?


Kung sakaling nai-stress at nag-o-overthink ka na sa mga possible situation na nilu-look forward mo, magpahinga ka muna. Oki?


  1. GAMITIN ANG MGA ONLINE REVIEW MATERIALS. Sa panahon ngayon, maraming online resources at review centers na ang puwedeng makatulong sa inyong paghahanda. 

  2. MAGHANDA NG MAAYOS NA KAGAMITAN. Siguraduhing kumpleto ang iyong mga gamit sa araw ng exam: ballpen, valid ID, at anumang iba pang requirement ng PRC. Iwasan ang magdala ng mga gamit na hindi pinapayagan sa exam hall.

  3. HUWAG KALIMUTANG MAGDASAL.  Tandaan mo, may planong inilaan para sa atin ang Diyos. 


Kung makaramdam ka man ng pagod at kawalan ng gana at pag-asa, agad na lumapit sa Diyos, at humingi ng gabay.  


Ilan lamang ‘yan sa mga tips na dapat n’yong tandaan. 


Ang LET 2025 ay isang hakbang patungo sa inyong pangarap na maging isang guro. Sa pamamagitan ng tamang paghahanda, tiyaga at disiplina, tiyak na makakamtan n’yo rin ang inyong layunin. 


Kaya para sa mga magte-take ng exam, take it easy lang. Nawa ay gabayan kayo ng Diyos sa darating na LET 2025. Muli, ‘wag mawalan ng tiwala. Oks? Good luck sa inyong pagsusulit!


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 17, 2025



Photo: Julie Anne at Rayver - Instagram


Bonggacious ang ibinigay na Valentine gift ni Rayver Cruz sa kanyang lady love na si Julie Anne San Jose. 


Sinorpresa niya ang nobya nang bigyan niya ng mamahaling bass guitar. Isa na naman itong karagdagan sa mga musical instruments sa music room ni Julie Anne.


Ganoon na lang ang tuwa ni Julie Anne dahil bukod sa regalong bouquet of roses ni Rayver ay may surprise Valentine gift pang bass guitar na matagal na niyang pinangarap bilhin. Kaya naman may natanggap din na Valentine kiss si Rayver mula sa nobyang si Julie Anne.  


Marami naman ang labis na naiinggit sa tatag ng relasyon nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Perfect love team sila in real life, nagkakatulungan sa kani-kanilang career at nagsisilbing inspirasyon ng isa’t isa. 


Pareho nilang iniingatan ang kanilang relasyon at parehong nangangarap na maabot ang kanilang goal sa buhay.


Wish ng mga fans nina Julie Anne at Rayver ay huwag matulad kina Barbie Forteza at Jak Roberto ang love story ng dalawa.


 

MARAMING fans ni KC Concepcion ang natuwa sa balitang nagkabalikan sila ng ex-BF niyang Azkals player na si Aly Borromeo. 


May post sa social media si Aly na may kasamang babae noong Valentine’s Day, at kahit nakatakip ang mukha, obvious daw na si KC ang ka-date nito.


Dating magkasintahan sina KC at Aly noong 2016. Two years din silang naging magkarelasyon bago nauwi sa paghihiwalay. 


Muling nagkrus ang kanilang landas nang dumalo si KC sa isang arts event at nagkita sila ni Aly, kaya muling nabuksan ang kanilang communication line. Marami ang umaasa na mauuwi na sa seryosong relasyon ang kanilang pagbabalikan.  


Pagdating sa aspeto ng love life ni KC, ayaw makialam ni Megastar Sharon Cuneta. Nasa tamang edad na raw si KC at kaya nang magdesisyon pagdating sa pag-ibig. Matured na ito at marami nang natutunang leksiyon sa buhay. 


Basta ang wish lang ni Shawie ay matagpuan ni KC ang lalaking tunay na magmamahal sa kanya at handa siyang ipagtanggol at ipaglaban. Hindi kailangang pantayan ng lalaki ang yaman ni KC Concepcion, basta mabait, may goal sa buhay, at magiging mabuting asawa at padre de pamilya, pasado na kay Mega.


 

THIRTEEN years na palang walang love life si Piolo Pascual, kaya hindi problema sa kanya tuwing sumasapit ang Valentine’s Day. 


Ito ang inamin ni Papa P nang mag-guest siya sa Toni Talks (TT) ni Toni Gonzaga.

Marami silang bagay na napag-usapan. Isa na rito ay ang love life ni Piolo. Marami ang interesado na malaman ang latest na kaganapan sa buhay-pag-ibig ng aktor.


Maging si Toni ay nagulat at hindi makapaniwala na for the longest time ay hindi na nakipagrelasyon si Piolo at nanatiling single.


Matatandaang ang huling nabalitang GF ni Piolo ay sina KC Concepcion at Shaina Magdayao. 


Paliwanag ni Papa P, kahit matagal siyang single ay hindi naman niya naramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Masaya siya sa buhay-binata na malaya. At may mga kaibigan naman siyang nakakasama on special occasions.


Secure na rin ang kanyang future at financially stable na. Tahimik siyang namumuhay sa kanyang rest house at farm. Ramdam din niya ang payapang buhay dahil sa kanyang matibay na pananampalataya sa Diyos.  


At this point of his life, hindi siya naghahanap ng ‘someone special’ na makakasama.  


 

SASALI si Manny Pacquiao sa reality competition ng Netflix sa Korea, ang Physical: 100 Season 3. Ito ay isang survival show na nakatakdang ipalabas sa fourth quarter ng 2025. Tampok dito ang competition between Asian countries. 


Well, si Manny Pacquiao ang napili upang maging representative ng Pilipinas.

Kahit retirado na si Pacman sa larangan ng boxing, physically fit pa rin ang dating senador. Regular pa rin siyang nagdyi-gym, nag-e-exercise, at nagra-running.


Maalaga siya sa kanyang katawan at kalusugan. Hindi siya nagpabaya sa kanyang pisikal na pangangatawan. Hindi siya tumaba, maliksi pa rin at na-maintain ang dating timbang.


Abala ngayon si Pacman sa campaign trail dahil tatakbo siya ulit bilang senador sa darating na midterm election. Eh, papaano kaya kung mananalo ulit siyang senador, tutuloy pa kaya siya sa pagsali sa reality show na Physical: 100?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page