top of page
Search

by Info @Brand Zone | Apr. 11, 2025





Get ready to indulge your senses with BW WOMEN’s Candy Collection, a delightful new fragrance line inspired by the fun and nostalgia of your favorite sweets! This irresistible trio—Macaron, Gummies, and Jellybean—is designed to add a fresh and playful twist to your everyday scent.


“We created the Candy Collection to bring a touch of joy and playfulness to your fragrance routine. Scent has the power to uplift moods, and we wanted something that feels lighthearted, fun, and effortlessly sweet! Just like the best memories with your favorite candy.” shares BW Women brand representative, Abegail Ilagan-Bagunas.


One spritz, and you’re obsessed—just like your fave candy!


Each body spray in the Candy Collection is crafted to deliver a vibrant, sweet, and totally irresistible scent experience:


Macaron – A delicate and sweet scent, just like a freshly baked macaron!

  • Top Notes: Pear, Sweet Pea, Blackcurrant

  • Heart Notes: Raspberry, Freesia, Pink Peony

  • Base Notes: Plum Tree, Musk


Jellybean – A dreamy blend of vanilla with a musky twist, making it both cozy and captivating.

  • Top Notes: Raspberry, Strawberry

  • Heart Notes: Roses, Freesia, Apricot

  • Base Notes: Vanilla, Amber, Musk


Gummies – A playful burst of sweetness, just like your favorite chewy gummy treats!

  • Top Notes: Red Fruits, Blackcurrant, Blackberry

  • Heart Notes: Jasmine, Peony, Lily

  • Base Notes: Patchouli, Vanilla, Musk


At just Php 165, the BW WOMEN Candy Collection makes it easy to smell amazing every day—without breaking the bank! Available now in Blackwater’s official TikTok, Shopee, and Lazada stores, and in SM Supermarkets, Savemore, and SM Hypermarket outlets nationwide.


Get your favorite candy-inspired scent today!



 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 1, 2025



Photo: Carla Abellana - Instagram


Ini-reveal ni Carla Abellana na nagpa-freeze siya ng kanyang eggs. Ito ay prosesong ginagawa ng isang babae na gustong magkaroon ng anak through IVF (in vitro fertilization).


Sa Instagram (IG) account ng aktres nu’ng Linggo ay ibinahagi niya ang kanyang journey sa egg freezing sa pamamagitan ng isang video. Ikinuwento rin niya sa caption ang kanyang preparations para sa naturang proseso.


“A few years ago I had my first online consultation with Dr. Mendiola of KATO Clinic,” ang

simula ng caption ni Carla sa video.


“Life happened so I had to postpone the process for over a year and a half,” patuloy niya.

Laking-tuwa niya na nag-open na ng branch sa Quezon City ang clinic na pinagkokonsultahan niya kaya itinuloy na niya ang matagal nang planong pagpapa-freeze ng eggs.


Mapapanood sa video ang mga paunang steps na ginawa kay Carla at isa na nga rito ay ang pagkuha ng dugo sa kanya nang makailang beses. Makikita na kinukuhanan siya ng dugo sa parte ng kanyang tummy.


“I had lost count of how many daily injections I had to endure. If at first, you don’t succeed, try and try again!” she wrote.


Sa dulo ng video, sey ng aktres, “So another round of injection and tablet medication. And I (have to) go back in 3 or 4 days. So, yeah, let’s keep doing this.”

Sa caption ay binanggit ng aktres na ‘transformative experience’ raw for her ang journey niya sa egg freezing.


“My journey towards egg freezing has been a transformative experience — one that required a lot of research, emotional preparation, and support (hug emoji).


“From the moment I decided to take this step, I knew it was important to surround myself with the right team. Thank goodness for @conceiveivfmanila (under @krbc.ph) (heart emoji),” pahayag ni Carla.


Nasa mga unang hakbang pa lang si Carla at happy naman daw siya sa expertise and professionalism ng medical team, gayundin sa facilities ng clinic.


“The consultation was the first step, where Medical Director Dr. Ednalyn Ong-Jao explained the process and answered all my questions with much care and expertise.


“As I prepared, I was amazed by the professionalism and compassion of the entire team. The Nurses made every step easy and reassuring, while Doc Eds ensured that every detail was carefully handled (heart hand emoji).


“The facilities are top-notch, making me feel safe and well taken care of every step of the way (hospital emoji).


“I’m incredibly grateful to everyone involved—their kindness, support, and expertise made all the difference (white heart emoji),” sey ni Carla.


Pinusuan ng mga netizens and kapwa-celebrities ang post na ito ng aktres. Sa comment section ay makikita ang tatlong white heart emoji na reaksiyon ni Bea Alonzo.


 

Anak sa ex-Miss Pasay na ipinalit kay Kris… 

BUNSO NI JOEY, PANLABAN NG ‘PINAS SA MISS TEEN GLOBAL 2025 SA BRAZIL


ISA na namang Marquez ang pumalaot sa mundo ng beauty pageant at ito ay ang isa pang anak na babae ni Joey Marquez na si Jomelle Joegy Marquez.


Si Joegy, as she’s fondly called by her friends, is the newly-crowned Miss Teen Global Philippines.


Naganap ang kanyang official crowning and sashing ceremony sa The B Hotel, Alabang last Thursday, March 27.


Only 15 years old, si Joegy ay bunsong anak ni Tsong Joey sa dating Miss Pasay na

nagtatrabaho noon sa bangko. Siya ang nakarelasyon ng aktor-pulitiko after Kris Aquino.

Hindi naman kataka-takang pumasok din sa pageant world si Joegy since beauty queen din pala ang kanyang ina plus of course, ang tita niyang si Melanie Marquez (Miss International 1979), ang pinsan niyang si Michelle Dee (Miss Universe Philippines 2023), at ang half-sister niyang si Winwyn Marquez (first Reina Hispanoamericana Filipinas title sa Miss World Philippines 2017).


“Growing up, I liked princesses, fashion, and modeling,” sey ni Joegy. 

Aniya, “On career days at school, I’d always choose to be a firefighter or ballerina simply because I love the outfits.”


Aminado rin siyang bata pa lang ay mahilig na siya sa tiara.


“I remember I’m begging my dad to buy me a tiara ‘coz my tiara before broke when I was a kid. He bought me a lot,” tsika ng dalagita.


When asked kung ano ang naging reaksiyon ng daddy niya sa pagsali niya sa beauty pageant, aniya ay nagulat daw ito.


“Growing up, I was the quiet, reserved type. But he’s definitely supportive. His only reminder is that I finish school. He’s always supportive with what I’m doing,” esplika niya.


Tungkol naman sa half-sister niyang si Winwyn na kasama naman ngayon sa Miss Universe Philippines 2025, ayon kay Joegy ay super proud siya sa kanyang ate at siyempre, wish niya ang tagumpay nito sa MUPH.


Close raw silang magkapatid at aniya, “She wants to teach me; it’s just she’s busy now.”

Ayon pa sa young beauty queen, hindi niya akalaing magugustuhan niya ang pagsali sa beauty pageant.


“I never realized I wanted to be a beauty queen until I started experiencing it. Growing up I always liked fashion and modeling,” deklara niya.


Joegy is the Philippines’ representative for Miss Teen Global 2025 na gaganapin sa Rio de Janeiro, Brazil in September. 


Ayon sa anak ni Tsong, ito raw ang kanyang first international pageant competition.

Advocacy ni Jogey ay animal welfare at ipakikita niya sa mundo na ang mga Pinoy ay magaling makitungo lalo kapag iniharap ang sarili sa isang paligsahan.

 
 

ni Crystal Jhen Samson (OJT) @Life & Style | Mar. 28, 2025





Kung kagitingan din lang ang pag-uusapan, hindi maipagkakailang kaya itong gawin ng mga ina ng tahanan. Bilang patunay, may mga katangiang taglay ang kababaihang tulad nila na maipagmamalaki natin gaya ng hindi madaling sumuko, pagiging matatag, mapagmahal at handang lumaban para sa pamilya at sa bansa.


Hindi ba’t marami na ring naitala sa ating kasaysayan ng mga babaeng bayani sa katauhan nina Melchora Aquino, Gabriela Silang at Gregoria de Jesus? Sila ang mga nagbuwis ng buhay at itinuturing na mga ina ng ating bayan.


Sa kasalukuyang panahon, may mga ganitong klase pa rin ng mga ina. Ang mga tulad nila ay may kakayanang gawin ang lahat para itaguyod ang kanilang pamilya sa kabila ng mga hamon sa kanilang buhay, strong-willed ‘ika nga. Isa na rito si Candy Pangilinan na kilalang movie and television actress at comedian simula pa noong 1990.


Umusbong ang kanyang career sa mga mini-series gaya ng ‘For the Love’ (2023), ‘Ang Probinsyano’ (2012), ‘Miracle in Cell No. 7’ (2019), at ang kamakailan lang ipinalabas na Sunny (2024). Bukod sa pagiging mahusay na aktres siya rin ay isang business owner.


Sa kabila ng mga sunud-sunod na mga project sa showbiz na kanyang natatanggap, hindi maitatanggi na nasubok din ang kanyang katatagan kung saan naranasan ni Candy ang napakabigat na hamon sa kanyang buhay. Taong 2003 nang isinilang niya ang nag-iisa anak na si Quentin Alvarado na mayroong ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder at may Autistic Spectrum Disorders (Autism).


Kuwento ni Candy, una niyang napansin ang tila sintomas o kondisyon ng kanyang anak nang minsang marinig na hindi pa developed ang pagsasalita nito, hindi rin kayang makipag-eye contact at pagkahumaling sa mga bilog na bagay.


Nang dalhin ni Candy sa isang ispesyalista si Quentin ay doon niya natuklasan ang kalagayan ng anak na may Autism. Bilang optimistic mom at single mother na rin dahil sa hiwalay na sila ng kanyang asawa, hindi nawalan ng pag-asa si Candy, sa halip ay mas tinatagan niya ang sarili para sa kanilang dalawa ng mahal na anak at pamilya.


Doble-kayod ang ginagawa ni Candy at todo-raket din sa mga shows habang nagbebenta ng mga bags para may pang-therapy at gamutan ni Quentin kasi para sa kanya kailangang unahin at dapat maibigay niya ang lahat ng pangangailangan ng anak.


Hindi madali kay Candy ang magpalaki ng anak na katulad ni Quentin, kailangan ng may malawak na pang-unawa, 100% na pag-aalaga, matinding pagsasakripisyo at lubos na pagmamahal.


At dahil din sa suporta sa kanya ng kanyang ina, kapatid at mga kaibigan, dito humuhugot ng lakas si Candy upang magpatuloy sa laban at mabuhay nang masaya kasama ang anak. Labis din ang pasasalamat ni Candy sa Diyos dahil sa ibinigay sa kanyang munting anghel at hindi sila pinababayaang mag-ina.


Gaya ni Candy Pangilinan, ina na may malaking puso at handang gawin ang lahat para mapabuti ang kalagayan ng anak, gayundin sa iba pang mga ina, isang pagsaludo sa inyong lahat!


Kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Month, binibigyang pugay natin ang kagitingan ng mga ina at kababaihan sa iba’t ibang dako ng bansa, at kinikilala rin natin ang kanilang katatagan at pagsasakripisyo na handang ialay ang mga sarili maitaguyod lamang ang pamilya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page