ni Dominic Santos (OJT) @Lifestyle | Feb. 12, 2025
Artwork: Kaye Eugenio (OJT)
Fun? Adventurous? Romantic? Eh paano kung sabihin ko sa’yo na puwede iyang gawing 3 plus 1 at maaari rin itong educational, besties?
Hindi ka ba makapili dahil sa layo at dami ng choices na maaaring puntahan ngayong Buwan ng Pag-ibig?
Oh baka naman dumadaing na ang iyong bulsa kaya lito ka na rin? Why PILI if you can FEEL IT in one, besties!
‘Wag kang mag-alala besh dahil lahat ‘yan ay puwede mong ma-experience nang libre in one place ‘pag nag-walk trip ka around Manila! Teka lang, ang susunod na istasyon ay UN, paparating na sa United Nations Station besties! Oh hindi ‘to budol ha, kasi walking distance lang ang mga pupuntahan mo rito.
Hanap mo ba ‘yung maraming iba’t ibang hayop na mala-Subic Safari? National Museum of Natural History ang sagot diyan dahil bukod sa magandang entrada nito ay marami ring iba’t ibang hayop na makikita rito kabilang na ang pinakamalaking buwaya na si Lolong!
Photo/s: Marish Rivera / Dominic Santos (OJTs)
Paano naman kung makalumang local products at mga kuwento ng mga ninuno kagaya ng sa Vigan, Ilocos Sur ang hanap mo? National Museum of Anthropology na dinarayo dahil sa parehong dahilan ang susunod na destinasyon mo rito bestie!
Tutal kasabay din naman ng National Art Month ang Buwan ng Pag-ibig, bakit hindi mo i-explore ang iyong creativity kasama ang mahal mo sa buhay sa National Museum of Fine Arts?
Meron din ditong nature tripping na libre dahil malapit lang diyan ang Arroceros Forest Park na mayaman sa iba’t ibang uri ng puno na siguradong maglalapit sa’yo sa kalikasan dahil tinagurian ito bilang pinakahuling gubat sa Maynila na puwede mo ring tambayan kasama ang iyong loved ones!
Kaya tara na bestie, nakatipid ka na may masayang bonding ka pa kasama ang mga mahal mo sa buhay! Let’s feel it in one para hindi na natin kailangang pumili, besh!