ni Justine Daguno - @Life and Style | July 10, 2021
Matibay na ngipin at mga buto ang benepisyong maidudulot ng tamang suplay ng calcium sa ating katawan. Ayon sa pag-aaral, 1,000 mg per day ang kinakailangan para sa mga adults habang 1,300 mg naman para sa mga edad 4 hanggang 18.
At upang makuha ang calcium requirement sa ating katawan, narito ang ilan sa mga source o pagkaing nagtataglay nito:
1. KESO. Ito ay nagtataglay ng malaking porsiyento ng calcium, kung saan mayroon itong 331 mg o 33% RDI per ouncesa 28 grams nito. Ang maganda pa nito, mas madaling naa-absorb ng katawan ang calcium mula sa dairy products kumpara sa ibang plant sources.
2. YOGURT. Isa pa ito sa mga ‘good source’ ng calcium. Ang one cup (245 grams) ng plain yogurt ay mayroong 30% RDI ng calcium. Bukod pa r’yan, ito rin ay nagtataglay ng phosphorus, potassium at Vitamins B2 at B12. Samantala, ang low-fat yogurt naman ay may mas mataas ang may calcium content, kung saan ito ay may 45% RDI sa isang cup (245 grams).
3. SARDINAS. Nagtataglay din ng calcium ang sardinas, partikular mga buto nito. Ang 3.75-ounce (92-gram) na lata ng sardinas ay may 35% of the RDI. Gayundin, ito ay nagtataglay ng high-quality protein at omega-3 fatty acids, na good naman sa puso, utak at kutis.
4. ALMONDS. Sa lahat ng uri ng nuts, ito ang may pinakanagtataglay ng calcium, kung saan sa isang ounce nito o 22 piraso, maaaring makakonsumo ng 8% ng RDI. Ang almonds ay nagtataglay din ng healthy fats, protein at 3 grams ng fiber kada ounce (28 grams). Good source rin ito ng magnesium, manganese at Vitamin E.
5. LEAFY GREENS. Ang madadahong gulay ay nagtataglay din ng calcium. Bukod pa r’yan, may minerals din ang mga ito kabilang ang collard greens, spinach at kale. Ang one cup (190 grams) ng collard greens ay may 266 mg — quarter amount ng calcium na kailangan ng ating katawan.
6. GATAS. Ito ang ‘da best at pinakamadaling mahanap na source ng calcium. Ang one cup (237 ml) ng cow’s milk ay nagtataglay ng 276-352 mg, depende na lamang kung ito ay whole o nonfat milk. Dagdag pa rito, good source rin ang gatas ng protein, Vitamin A at Vitamin D. Samantala, ang goat’s milk naman ay mayroong 327 mg per cup (237 ml).
Importante ang calcium sa katawan dahil malaking bahagi ng katawan ang nagagawa nitong maprotektahan mula sa mabilis na pagkasira. Bagama’t maraming food supplements, mas maganda pa rin ang epekto ng natural source nito. Gets mo?