Mga puwedeng hilingin at dapat gawin para matupad ang wish sa geminid shooting stars
ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| October 18, 2020
Bigyang-daan natin ang kahalagahan ng magaganap ngayong araw, Oktubre 18, na nasa todong-lakas ang dami ng mga bulalakaw na mas kilala sa tawag na Geminid meteor shower.
Sa mga shooting star lovers, watch out dahil ngayon ang pagkakataon na muli nating makikita ang tila pag-ulan ng mga bulalakaw sa kalangitan.
Ang salitang “Geminid” ay mula sa salitang Gemini na isa sa mga zodiac signs. Dahil dito, ang mga hiling na puwedeng bigyan ng katuparan ng mga suwerteng dala-dala ng zodiac sign na Gemini ay ang mga sumusunod:
Pananalo sa mga pakikipagsapalaran kung saan mismong kapalaran ang nakataya, tulad ng games of chance, sugal, puwede rin ang lotto at iba pa.
Mabilis na pagkita ng pera tulad ng pag-aahente o sa mga pinansiyal na aktibidad kung saan pinaiikot ang puhunan. Gayundin, puwedeng-puwede ang pakikipagsapalaran sa stock market.
Hindi sinasadyang makapulot ng pera sa kalsada o kung nasaan ka man at puwede ring biglang naabutan ng bag na may malaking halaga ng pera.
Ang mga suwerte sa love life ay isa sa kayang ipagkaloob ng Geminid shooting star sa kondisyon na ang hihiling ay dapat masaya, palakuwento, maharot, mapagbiro at mapagbigay.
Kung ang hihilingin ay hindi pansarili, puwede ring magkatotoo. Halimbawa, suwertehin sa trabaho ang mahal sa buhay, makaahon sa kahirapan at magkapera ang malapit sa puso ng hihiling.
Sa panahon din ng pagpapaulan ng Geminid shooting star, ang mga kahilingan na gumaling ang mga sakit o karamdaman ay bagay na bagay.
Ang rekomendasyon para makatiyak na ang mga hiling ay makakamit ay ang mga sumusunod:
Huwag kalimutang maglagay ng barya sa bulsa o wallet.
Magsuot ng damit na may kislap.
Kailangan din ang masayang persnalidad kung saan dapat may ngiti sa labi at mukha.
Inirerekomendang mamigay ng pera sa mga hindi kakilala, pero hindi naman malaking halaga, kahit magkano ay okey na.
Puwede ring mamigay ng pera sa mga bata, ngunit mas maganda sa mga batang masayang naglalaro.
Maligo sa umaga at gabi bago matulog.
Sa pagtulog, okey lang isuot ang damit na panlakad.
Ang pinakamahalaga ay ang pagdarasal kung saan ang unang sasabihin ay ang papuri sa iyong kikinilalang Diyos, kasunod ang pasasalamat at ang dulo ay pagsasabi ng mga kahilingan sa buhay. Siyempre, may salitang “Amen” o “Siya nawa” o “Mangyari nawa.”
Good luck!