top of page
Search

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| December 7, 2020



Bigyang-daan natin ang liham ni Marivic ng Pasig City.

Dear Señor,


Puwede bang manghingi ng ritwal para sa love life? Kasi alam mo, palagi akong bigo sa love life at parang wala namang nagse-seryoso sa akin. Kaya tulad ng iba, gusto ko ring magkaroon ng tunay na ligaya sa love life. Sana ay mapagbigyan n’yo ako sa request kong ito.


Naghihintay,

Marivic


Sa iyo, Marivic,


Narito ang ritwal ng pag-ibig para sa iyo, mula sa ipinamana sa amin ng lola ko na “Baul ng Lihim na Kaalaman.”

  1. Alamin mo kung kailan ang susunod na Full Moon.

  2. Tatlong araw bago ang Full Moon, maligo ka. Ang pagligo ay ‘yung “hard shower” kung saan todong lilinisin mo ang iyong buong katawan, mula ulo hanggang paa. Ang hard shower ay hindi tulad ng pangkaraniwang pagligo na hindi naman todong nililinis ang buong katawan.

  3. Pagkatapos ng hard shower, maglagay ka ng perfume sa katawan, maganda kung paborito mong pabango ang iyong gagamitin. Hindi mahalaga kung mamahalin ang perfume dahil ang instruction ay simpleng nagsasabi na kung ano ang paborito mong pabango, ‘yun ang gamitin mo.

  4. Tatlong araw mo itong gagawin at pagdating ng Full Moon, ito ang huling pagha-hard shower mo. Kaya dapat, nakapaligo ka na sa mismong oras ng Full Moon at ang eksaktong oras ay makikita mo sa kalendaryo.

  5. Pagdating ng oras ng Full Moon, dapat masilayan ka ng liwanag ng buwan. Hindi mahalaga kung nakabihis ka o hindi, ang mahalaga ay tumama sa iyo ang mahiwagang sinag ng kabilugan ng buwan. Ibig sabihin, aabangan mo ang mismong kabilugan ng buwan, kaya ang isa pang paalala ay huwag mong kalimutan na dapat nakatingala ka dahil pagmamasdan mo ang bilog na buwan.

  6. Habang pinagmamasdan mo ang bilog na buwan, sasabihin mo kung ano ang iyong kahilingan. Dapat masabi mo ang lahat ng gusto mo dahil ang oras ng paghiling sa buwan ay pitong minuto lang.

  7. Kaya ngayon pa lang, praktisin mo na ang pagsasabi sa mga hiling mo sa buwan, na muli ay dapat na pitong minuto lang.

  8. Kung ang gusto mo ay maayos ang love life mo dahil magulo o hindi ka maligaya, ito mismo ang hilingin mo.

  9. Kung gusto mo naman ay bagong love life, ito ang i-request mo.

  10. Kaya sa ganitong paraan din hinihiling na ang soulmate ang “Nawa’y Dumating na!”

  11. Ito rin ang pinakamabisang ritwal kung paano mapapatino ang partner, asawa o karelasyon.


Ang nasa itaas na ritwal ay batay sa mismong sinabi ni God na nakasulat sa Sagradong Aklat na, “Ang buwan ay nilikha Niya para magbigay ng liwanag sa panahon ng kadiliman.”


Sinasabing walang liwanag ang buhay ng isang tao kapag ang kanyang love life ay hindi masaya, maligaya o walang liwanag ang buhay ng tao kapag siya ay nabubuhay sa kalungkutan.


Kaya si God ang ating pakinggan at muli, ayon sa Kanya, ang buwan ang panggagalingan ng ating tunay na kaligayahan sa madilim na bahagi ng ating love life.

Good luck and God bless!

 
 

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| December 2, 2020



Bigyang-daan natin ang e-mail ni Aira ng Pasay City


Dear Señor,


Bawal ba ang sukob sa taon, kumbaga, ‘yung magkapatid ay ikakasal sa parehong taon? ‘Yun kasi ang problema naming magkapatid dahil balak ng ate ko na magpakasal sila ng BF niya sa February, 2021 at kami naman ng boyfriend ko ay sa June, 2021.


Naghihintay,

Aira


Sa iyo, Aira,


Oo, iha, bawal pero noon pa ‘yun sa makalumang panahon. Ngunit ngayon, sa malalayong probinsiya, bawal pa ring ikasal sa loob ng iisang taon ang magkapatid. Pero bakit nga ba bawal ito?


Isang tradisyon sa bansa natin ang tinatawag na pagbibigay ng “dote” sa pamilya ng babaeng mapapangasawa. Ang “dote” ay tulad ng lupain, sinasaka o taniman ng mga punong-kahoy at halaman, ang hayop sa bukirin tulad ng kalabaw at baka, maaari ring ginto, pilak, kayamanan o malalaking halaga.


Sa probinsiya, pangkaraniwan nang bibigyan ang bagong mag-asawa ng mga kabuhayan para makapagsimula.


Dito pa lang, makukuha na natin ang dahilan kaya bawal ang sukob sa pag-aasawa ng magkapatid dahil ang mauunang mag-asawa ay maraming magagasta at kung may susunod pang kapatid na mag-aasawa sa parehong taon, wala nang matitira sa kanya.


Ang isa pang tradisyon sa kasalan ay maghahanda ng mga pagkain para sa magarbong handaan na mala-piyesta dahil ang buong bayan ay dadalo sa kasalan.


Kaya ano pa ang ihahanda ng isa pang kapatid na magpapakasal, wala na ‘di ba?


Kaya mahigpit na pinagbabawalan ang magkapatid na magsukob sa kanilang kasal.


At sa bagong mag-asawa nakatuon ang atensiyon ng matatanda dahil sila ay tinuturuan kung paano ang tamang pamumuhay, kumbaga, sila ay binabantayan sa layunin na ang kanilang pag-aasawa ay maging for life.


Kaya kung may isa pang mag-aasawa, mahahati ang atensiyon at kung ang layunin ay maging panghabambuhay ang pag-aasawa, hindi na makukuha ‘yun dahil mahahati ang atensiyon ng matatanda.


‘Yan ang sagot sa tanong mo, Aira, pero kung ang “pag-aasawa” na nasa isip mo ay pagsasama na uso ngayon kung saan hindi na ikinakasal, puwedeng mag-asawa ang magkapatid sa iisang taon.


Iba na kasi ang panahon ngayon. Ang totoo nga, hindi gaanong katagalan, mababasa natin sa mga balita na umaangal ang mga pari dahil bibihira na ang nagpapakasal.


Ganundin sa mga kasalang civil, halos wala nang nagpapakasal at kung mayroon man, naoobliga na lang dahil sa kapakanan ng magiging anak.


Pero kahit paano, may maganda sa tanong mo dahil pag-aasawa ang concern mo, kumbaga, dahil balak mong magpakasal, hindi ka matutulad sa nauusong kalakaran ngayon kung saan ang magkakasintahan ay namumuhay nang parang mag-asawa pero hindi nagpapakasal.


Sadya sigurong malayo na ang narating ng ating panahon at dahil sa sobrang layo, naligaw na tayo ng landas.

Good luck and God bless!

 
 

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| November 30, 2020



Bigyang-daan natin ang e-mail ni Cathy ng Pasig City.

Dear Señor,


Paano malalaman kung babae o lalaki ang magiging anak? Bagong kasal kami ng asawa ko noong Oktubre lang. Gusto ng mister ko na lalaki ang una naming anak, pero ang gusto ko ay babae. Kaya madalas ay nagtatalo kami kahit hindi pa ako nabubuntis. Ano ang maipapayo n’yo sa amin?


Naghihintay,

Cathy


Sa iyo, Cathy,


Sa mga babae, maraming level of life ang kanilang pinagdaraanan. Ang una, nang sila ay maging dalaga at dahil dalaga na sila, kailangan nilang magka-boyfriend, kaya sobrang lungkot ng mga dalagang hindi pa nararanasang magkaroon ng kasintahan at sobrang ligaya naman ng babae kapag siya ay nagka-boyfriend na.


Pagkatapos ng pagiging magkasintahan, ang promise to marry or proposal for marriage ay isang mahalagang pangyayari sa kanilang buhay dahil dito, ang mga babaeng hindi pinangangakuan ng kasal ay may malalim at lihim na lungkot sa kanilang buhay.


Kapag ikinasal, kailangang magkaanak ng babae dahil ang completeness of womanhood ay ang pagkakaroon ng baby o anak.


Sa ngayon, umabot na sa ganitong level ang buhay mo kaya walang pagsidlan ang ligaya mo, pero kailangan mo ring magkaanak nang sa gayun ay maramdaman mong ikaw ay ganap na babae.


Anuman ang ipagkaloob ng langit sa inyo ng asawa mo, ipagpasalamat mo dahil ang bawat anak ay tinatawag na “Gift from God”.


Ganito ang batayan sa pagbubuntis ng isang babae:


Kapag nagtalik bago ang ovulation o pangingitlog ng babae, malamang na babae ang magiging anak. Kapag naman nagtalik pagtapos lumabas ng egg ng babae, malamang na lalaki ang magiging anak. Kaya kung gusto mong magka-anak ng babae, bago ka mangitlog ay dapat magtalik kayo ng asawa mo.


Madali lang, ‘di ba? Pero sa totoo lang, mahirap itong magawa ng mag-asawa dahil ang pagtatalik, lalo na kung magkasama sa bahay ay hindi nakokontrol dahil ang love nila ay nadarama sa bawat sandali.


Pero kung desidido ka na babae ang gusto mong maging anak, disiplina ang kailangan mo kung saan magtatatalik kayo ng mister mo bago ang mismong araw ng iyong ovulation o paglabas ng iyong egg cell.


Muli, babae ang magiging anak n’yo kapag nagtalik kayo bago ang ovulation at lalaki kapag nagtalik after a day of ovulation.

Good luck and God bless!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page