top of page
Search

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| January 7, 2021



Bigyang-daan natin ang liham ni Marivic ng Pasig City.

Dear Señor,


Puwede bang manghingi ng ritwal para sa love life? Kasi alam mo, palagi akong bigo sa love life at parang wala namang nagse-seryoso sa akin. Kaya tulad ng iba, gusto ko ring magkaroon ng tunay na ligaya sa love life. Sana ay mapagbigyan n’yo ako sa request kong ito.


Naghihintay,

Marivic

Sa iyo, Marivic,


Narito ang ritwal ng pag-ibig para sa iyo, mula sa ipinamana sa amin ng lola ko na “Baul ng Lihim na Kaalaman.”

  1. Alamin mo kung kailan ang susunod na Full Moon.

  2. Tatlong araw bago ang Full Moon, maligo ka. Ang pagligo ay ‘yung “hard shower” kung saan todong lilinisin mo ang iyong buong katawan, mula ulo hanggang paa. Ang hard shower ay hindi tulad ng pangkaraniwang pagligo na hindi naman todong nililinis ang buong katawan.

  3. Pagkatapos ng hard shower, maglagay ka ng perfume sa katawan, maganda kung paborito mong pabango ang iyong gagamitin. Hindi mahalaga kung mamahalin ang perfume dahil ang instruction ay simpleng nagsasabi na kung ano ang paborito mong pabango, ‘yun ang gamitin mo.

  4. Tatlong araw mo itong gagawin at pagdating ng Full Moon, ito ang huling pagha-hard shower mo. Kaya dapat, nakapaligo ka na sa mismong oras ng Full Moon at ang eksaktong oras ay makikita mo sa kalendaryo.

  5. Pagdating ng oras ng Full Moon, dapat masilayan ka ng liwanag ng buwan. Hindi mahalaga kung nakabihis ka o hindi, ang mahalaga ay tumama sa iyo ang mahiwagang sinag ng kabilugan ng buwan. Ibig sabihin, aabangan mo ang mismong kabilugan ng buwan, kaya ang isa pang paalala ay huwag mong kalimutan na dapat nakatingala ka dahil pagmamasdan mo ang bilog na buwan.

  6. Habang pinagmamasdan mo ang bilog na buwan, sasabihin mo kung ano ang iyong kahilingan. Dapat masabi mo ang lahat ng gusto mo dahil ang oras ng paghiling sa buwan ay pitong minuto lang.

  7. Kaya ngayon pa lang, praktisin mo na ang pagsasabi sa mga hiling mo sa buwan, na muli ay dapat na pitong minuto lang.

  8. Kung ang gusto mo ay maayos ang love life mo dahil magulo o hindi ka maligaya, ito mismo ang hilingin mo.

  9. Kung gusto mo naman ay bagong love life, ito ang i-request mo.

  10. Kaya sa ganitong paraan din hinihiling na ang soulmate ang “Nawa’y Dumating na!”

  11. Ito rin ang pinakamabisang ritwal kung paano mapapatino ang partner, asawa o karelasyon.


Ang nasa itaas na ritwal ay batay sa mismong sinabi ni God na nakasulat sa Sagradong Aklat na, “Ang buwan ay nilikha Niya para magbigay ng liwanag sa panahon ng kadiliman.”


Sinasabing walang liwanag ang buhay ng isang tao kapag ang kanyang love life ay hindi masaya, maligaya o walang liwanag ang buhay ng tao kapag siya ay nabubuhay sa kalungkutan.


Kaya si God ang ating pakinggan at muli, ayon sa Kanya, ang buwan ang panggagalingan ng ating tunay na kaligayahan sa madilim na bahagi ng ating love life.

Good luck and God bless!

 
 

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| December 21, 2020



Bigyang-daan natin ang e-mail ni James ng Balintawak, Quezon City.

Dear Señor,


Alam ko na matutulungan n’yo ako dahil takot akong manligaw ng babae. Ano ang gagawin ko? Naiinggit kasi ako sa mga kaibigan ko na may girlfriend, tapos ako ay wala pa, lalo ngayong magpa-Pasko na naman. Hihintayin ko sagot mo, Señor! March 29, 1999 ang birthday ko.

Naghihintay,

James


Sa iyo, James,


Alam mo, lahat ng binata, sa una ay takot na takot talagang manligaw, pero kapag nagkaroon ng lakas ng loob, nagkaka-girlfriend din naman. Kaya ang una mong dapat gawin, lakasan mo ang loob mo at makikita mo na lakas lang pala ng loob ang sikreto para makuha ang mga gusto ng isang tao.


Pero ang mga taong walang lakas ng loob ay walang pag-asa na makuha ang anumang gusto, kaya sila ay sinasabing “Hindi pa nagsisumula ang laban ay napabibilang na sa libu-libong bangka ng mga talunan.” Kumbaga, hindi lamang sa larangan ng panliligaw dapat may malakas na loob ang tao kundi pati mismong magiging buhay niya sa mundo.


Sa panliligaw, ang totoo, takot ang binata o lalaki dahil ang kanya talagang kinatatakutan ay ang kabiguan. Dahil dito, narito ang ilang impormasyon na puwedeng makatulong sa iyo:


Sa pamamagitan ng mga kaalaman sa pagbasa ng body languages ng isang dalaga o babae, malalaman mo na kung puwede kang manligaw sa kanya.


Lalapit ka sa dalagang napupusuan mo, lalapit ka lang at wala ka munang sasabihing kahit na ano at tiyak na kaya mo ito. Ang mga binata ay takot magsalita, lalo na kung tungkol sa kanyang damdamin. Ang simpleng paglapit ay madaling gawin at hindi iiral ang takot mo dahil muli, ito ay simpleng paglapit lang, ‘di ba?


Sa paglapit mo, parang payag siya na malapit ka sa kanya, ibig sabihin, puwede kang manligaw sa kanya, pero kapag siya ay lumayo sa paglapit mo, ibig sabihin ay hindi ka pa niya gusto. Gets mo na? Hindi ba’t madali lang!


At kung sa paglapit mo, siya ay lumapit din sa iyo, tiyak na sobrang tuwa mo dahil malaki ang pag-asa na maging kayo.


Pagkatapos mong lumapit, makipagkuwentuhan ka sa kanya, ‘yung kahit ano ang ikukuwento mo. Halimbawa, ‘yung butiki sa kisame o lamok na lipad nang lipad sa palagid n’yo. Kapag siya ay interesado sa iyo, mapapansin mo na siya ay interesado na magkapalagayang-loob mo, na ang ibig ding sabihin, sa totoo lang, hindi siya talaga interesdo sa mga kuwento mo kundi sa iyo siya mismo interesado.


Kumbaga sa Facabook, hindi lang siya “like nang like” sa mga post mo dahil ikaw talaga ang like niya. Hindi lang siya “puso nang puso sa post mo” bagkus, talagang napupusuan ka na niya.


Kapag nadama ng binata na interesado rin sa kanya ang dalagang gusto niyang maging girlfriend, mawawala na rin ang kanyang takot at lalakas ang kanyang loob.


Dahil dito, James, sundin mo ang mga paunang payo ko nang sa gayun ay magka-girlfriend ka na at ang babaeng ito ay ‘yung may gusto rin sa iyo.


May iba pang paraan ng tamang panliligaw, kaya lang, ito muna ang sundin mo dahil kapag marami kang alam na teknik, baka hindi ka pa maging tapat at dumami rin ang magiging girlfriend mo.


Muli, sundin mo ang simpleng teknik na inilahad sa itaas upang magka-girlfriend ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Advanced Merry Christmas sa iyo at Good luck!

 
 

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| December 15, 2020



Bigyang-daan natin ang tanong ni Patrick ng Gumaca, Quezon.

Dear Señor,


Gusto kong malaman mula sa inyo kung ano ang hiwaga ‘pag ang aso ay umaalulong sa gabi? Kasi ‘yung aso rito sa amin ay umaalulong, kaya gusto na siyang patayin ng isang kapitbahay namin, pero may nagsasabi sa kanya na bawal ‘yun dahil makukulong siya dahil sa animal cruelty. Sana masagot n’yo ang katanungan kong ito. Maraming salamat!


Naghihintay,

Patrick

Sa iyo, Patrick,


Maraming dahilan kaya umaalulong ang aso, lalo na sa gabi. Ang unang dahilan, may nakikita siyang kakaiba tulad ng kaluluwa, aswang at iba pang maligno dahil totoo na ang mga mata ng aso ay matalas kung saan sila ay nakakikita ng hindi nakikita ng tao.

Sa kanyang pag-alulong, kapag may multo at iba pa, ang kanyang buntot ay nakabahag na papasok sa loob ng katawan ay nagsasabing siya ay takot.


Mabilis na pag-alulong kapag malapit lang sa kanya ang mga multo at iba pang nakakatakot na nilalang. Mahabang alulong naman kapag malayo sa kanya ang mga ito kung saan ang leeg ay kanyang inuunat bilang palatandaan na nasa malayo ang kanyang nakikita.


Hindi sa lahat ng pagkakataon ay umaalulong ang aso dahil lang sa multo at iba pang lamang lupa. Umaalulong din siya kapag parang nahihiwagaan siya sa kanyang nadarama at nakikita, tulad ng kapag bilog na bilog ang buwan sa langit at ang paligid ay sobrang maliwanag dahil sa liwanag ng buwan.


Kapag naramdaman niya na may kakaibang nangyayari sa lupa, tulad ng paparating na lindol, ang aso ay aalulong din. Kapag naramdaman ng aso na may naghuhukay sa lupa tulad ng ginagawa ng “Termites Gang”, ang aso ay puwede ring magbabala sa pamamagitan ng pag-alulong.


Kapag ang aso ay may nakitang biglang paggalaw ng mga puno o sanga ng mga punong-kahoy sa malayo, siya rin ay maaaring umalulong. Sa biglang pagpapalit ng simoy ng hangin kung saan mainit at biglang lalamig, ang aso ay aalulong. Kapag ang aso ay nakakita ng tao na hindi niya gusto ang suot o porma at kilos na nasa malayo, siya rin ay aalulong.


Bukod sa mga nabanggit, ang aso ay umaalulong kapag siya ay may sakit, lalo na kung ang kanyang sakit ay sa anumang bahagi ng sikmura o tiyan at iba pang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga organs.


Ang ganitong pag-alulong ng aso dahil siya ay may sakit o karamdaman ay ang pangkaraniwang dahilan ng kanyang pag-alulong. Dahil dito, inirerekomenda na mas maganda kung dadalhin siya sa isang beterenaryo o doktor sa mga hayop upang siya ay masuri.


Oo, bawal manakit o pumatay ng mga hayop, aso man o pusa o kahit na anong hayop dahil may batas na nagpaparusa sa mga gagawa ng “cruelty to animals.”


Good luck and God bless!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page