ni Eli San Miguel @K-Buzz | August 14, 2024
Maraming K-netizens ang humihiling ng pagpapatalsik kay Suga bilang miyembro ng BTS. Ito'y kasabay ng patuloy na imbestigasyon sa drunk driving incident ng Korean star.
Ilang Koreano na ang naglagay ng mga wreaths sa harap ng gusali ng HYBE [parent company ng BTS] sa Seoul, na nagpapakita ng mga kahilingang mapatalsik si Suga.
Kasalukuyang nagsasagawa ang pulisya ng imbestigasyon sa paggamit ni Suga ng electric scooter habang siya ay lasing noong Agosto 6. Sinabi naman ng mga otoridad na ipapatawag nila si Suga ukol sa insidente ng drunk driving.
Gayunpaman, sa gitna ng panawagan ng ilang Korean netizens na patalsikin si Suga mula sa BTS, sinabi ng isang Korean culture critic na hindi papayag ang Big Hit Music na mangyari ito.
Ayon sa ulat ng Korea Times, sinabi ng culture critic na si Jung Min-jae na "[it is] relatively unlikely that BTS' agency will consider Suga's withdrawal from the group." Dagdag pa ni Jung, mas malaking pinsala ang maidudulot kung aalis si Suga sa global supergroup.