ni Eli San Miguel @K-Buzz | August 26, 2024
Kumikita ang BLACKPINK member na si Lisa ng tinatayang $623,000 na katumbas ng 34 milyon pesos, sa bawat post sa kanyang Instagram channel, ayon sa 2024 Instagram Rich List ng Hopper HQ, isang British social media marketing platform.
Inanunsiyo ng Hopper HQ ang listahan ng 'top 100 most famous figures and celebrities worldwide.'
Nakuha ni Lisa ang ika-26 na puwesto sa listahang ito, na may higit sa 100 milyong followers sa kanyang Instagram account.
Kasunod ni Lisa, ang co-member niya sa BLACKPINK na si Jennie ay nasa ika-36 na puwesto, na may 85 milyong followers at tinatayang kita na $510,000 bawat post.
Nasa ika-40 na puwesto naman si Jisoo ng BLACKPINK, at si Rose ay nasa ika-42 na puwesto, na parehong may tinatayang kita na humigit-kumulang $474,000 bawat post.
Sa kasalukuyan, nananatili ang BLACKPINK bilang K-Pop group na may 'most-subscribed' at 'most-viewed' channel sa YouTube. Sila rin ang 'most-followed' at 'most-streamed' girl group sa Spotify.