ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 15, 2020
Magkakaroon na ng eletive course na K-drama analysis ang University of the Philippines Diliman ngayong summer.
Base sa computerized registration system ng naturang unibersidad, ang “Special Topics: Analysis of K-drama Series ay maaaring kunin ng UP Diliman's College of Mass Communication.
Ayon sa ulat, 20 lamang ang mga estudyanteng maaaring makapag-e-enroll sa naturang subject at ang mga ito ay nangangailangan ng internet connection, video conferencing apps katulad ng Google Meet, Messenger, Viber o Zoom, gadgets katulad ng desktop, laptop, tablet o cellphone, atbp.. kailangan din ang Netflix subscription o access K-drama series na "Crash Landing on You" (CLOY), "Chicago Typewriter" at "Misaeng."
Mababasa rin sa screenshot ng Facebook post ng page na "Narinig Ko sa UP" ang: "You may start watching the three kdrama series enumerated. This course is open to all colleges.”