ni Jasmin Joy Evangelista | February 16, 2022
Nagpositibo si V ng Korean group na BTS sa COVID-19.
Batay sa pahayag na inilabas ng BigHit Music nitong Martes, pumunta si V sa ospital noong Martes ng tanghali matapos makaranas ng mild sore throat. Siya ay sumailalim sa PCR test at doon nga lumabas ang resulta na siya ay positibo sa Covid.
Sinabi ng agency na kasalukuyang nagpapagaling sa bahay si V habang naghihintay ng instructions mula sa healthcare authorities.
The agency said he’s currently undergoing treatment at home while waiting for further instructions from healthcare authorities.
“V completed two rounds of COVID-19 vaccinations and is not presenting any extraordinary symptoms other than a mild fever and sore throat,” ayon sa pahayag.
Ayon pa sa agency, nakasalamuha ni V ang ibang BTS members noong Sabado.
“But everyone was wearing a mask, and there was no close contact.”
“None of the BTS members other than V are presenting any symptoms, and everyone received negative results from the preemptive self-tests,” dagdag pa nito.
“The company places the artists’ health as our top priority and we will do everything we can to aid V in his speedy recovery. We will also diligently cooperate with the requests and guidelines of the health care authorities.”
Nito ring Pebrero ay inanunsiyo ng grupo nan aka-recover na mula sa COVID-19 ang BTS member na si Jimin.