ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 22, 2024
Photo: Nadine Lustre sa Uninvited Mediacon
Bonggacious ang mediacon ng Uninvited movie nina Star for All Seasons Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre na ginanap sa ballroom ng Solaire North.
Almost everyone who attended the mala-billionaire’s party-themed mediacon ay first time nakapasok sa grand ballroom ng bagong Solaire North ng business tycoon na si Enrique Razon. And that includes Robi Domingo na siyang host sa grand mediacon with Kaladkaren.
Pero bago pumasok ang mga "invited at uninvited" sa grand ballroom ng Solaire, naka-hold muna ang mga guests sa isang function room na katabi nito, kung saan may pa-cocktail habang ine-entertain ng tatlong singers with a live band.
Maya-maya pa’y lumabas si Robi sa function room mula sa entrance ng ballroom at winelcome ang mga guests papasok sa venue ng party.
Isa-isang pumasok sa venue ang mga artistang kasama sa Uninvited na ang producer ng movie ay si Bryan Diamante, ang CEO ng Mentorque Productions.
During the mediacon, ini-release ang official poster and trailer ng Uninvited.
Naganap ang question and answer portion at habang nangyayari ito ay dumating ang mister at anak ni Ate Vi na sina Finance Secretary Ralph Recto at Ryan Christian Recto.
After the Q&A, pinangunahan ni Ate Vi ang grand toast of the night. Nagpasabog din ng P1 thousand bill (mukha ng cast ang nandu'n) sa gitna ng ballroom.
Ang Uninvited ay ang ikatlong pelikula na pinagsamahan nina Vilma at Aga. Ang dalawang nauna ay ang Sinungaling Mong Puso (1992) at ang Nag-iisang Bituin (1994).
Habang first time nakatrabaho ni Aga ang bagong “Horror Queen” na si Nadine Lustre.
Nagkataon na sunud-sunod ang mga pelikula ni Nadine na may pagka-gray ang kanyang mga characters na ginampanan.
This is a “huge thing” daw para kay Nadine, na gumanap sa character niya bilang anak ni Aga sa Uninvited, from all the roles na ginawa niya noon.
Pahayag ni Nadine, “Because everyone knows me (doing) parang rom-coms, drama, mga roles na wholesome. And my role would always be like mabait na anak. Ganoon talaga ang role ko, laging mabait.
“And this time, I’m happy because I was able to explore and try-out a different style of acting as well.
“And I wanted them to see na parang kung ano pa 'yung kaya kong gawin. Kasi this time around, as in sobrang extreme talaga ang pagkakaiba n’ya from my previous characters.
“And to be honest, this is something I really wanted to do from my previous characters. ‘Coz I wanted to see nga kung ano pa talaga ‘yung kaya kong gawin and what kind of other genres or other roles I can do in the future.
“And knowing me, I love exploring and I'd like to try different things. So, hopefully from here on, sana nga, mas maging dark pa 'yung characters ko or ano, I don’t know. Let’s see.
“Pero it seems to me that I’ve always had the darker, darker side of acting. Let’s see.”
Ang official synopsis ng Uninvited, “Eva Candelaria (Vilma Santos) has been waiting for this day for the last ten years, the birthday party of Guilly Vega (Aga Muhlach), the billionaire who brutally murdered her only daughter a decade ago and escaped justice.
“Disguised as a socialite, Eva attends the opulent event with a single goal: revenge. As the night unfolds, she carefully stalks each person involved in her daughter's murder, inching closer to her ultimate target.
“But who is the true villain of her story? Is it Guilly or his daughter Nicole? Unarmed and without a concrete plan, Eva must make life-or-death choices as her options dwindle.
“Will she fulfill her mission, or will the night claim her life instead?”
Maliban kina Vilma, Aga at Nadine, nasa cast ng Uninvited sina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, Nonie Buencamino, at Tirso Cruz III.
This is Direk Dan Villegas “comeback” after six years sa paggawa ng pelikula.
Ang Uninvited ay isa sa mga official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25.