ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| September 12, 2022
Sabi nga, “Love is blind” — true ‘yan, at isa pa, minsan ay pagmamahal ang dahilan kaya nananatili ang isang tao sa ‘bad relationship’.
Well, wala namang perpektong relasyon, pero mahalaga na malaman natin ang mga behavior o ugali na “major red flag” para makatagpo tayo ng fulfilling relationship.
Siyempre, kailangan nating malaman ang mga bagay o ugali ng ating partner na hindi dapat kunsintihin, anu-ano nga ba ang mga ito?
1. CONTROLLING BEHAVIOR. Kapag kinokontrol ng iyong partner ang mga ginagawa mo o gusto niya na pareho kayo ng values kahit pa iba ang mga gusto mo. Gayunman, binigyang-linaw ng mga eksperto na maraming paraan para makontrol ka ng iyong partner at hindi okay ang mga ganitong behavior.
2. GASLIGHTING. Sey ng experts, ang gaslighting ay isang common trait para sa mga controlling partner. Halimbawa, ipinaparamdam niya sa iyo na ang mga bagay na inaalala mo ay katawa-tawa. Maaari niya ring iparamdam na may mali sa ‘yo kapag nagpapahayag ka ng iyong feelings tungkol sa isang bagay.
3. ABUSE. Knows n’yo ba na ang controlling behavior ay maaaring mauwi sa abusive relationship? Ayon sa mga eksperto, maaari itong maging emotional o verbal abuse. Halimbawa umano nito ang pangmamaliit niya sa iyo, ginagawa kang katatawanan sa harap ng ibang tao, gayundin ang panga-gaslight tuwing nag-e-express ka ng iyong feelings. Kabilang din ang physical abuse, kung saan madalas kang sinasaktan ng iyong partner tuwing may hindi kayo pagkakaunawaan. Kapag ganito ang sistema n’yo, inirerekomenda ng mga eksperto na humingi ng tulong sa mga propesyunal.
5. DOESN’T BRING OUT THE BEST IN YOU. ‘Yun bang, pakiramdam mo ay hindi nakakatulong ang partner mo para mailabas ang “best version of yourself”. Kapag ganyan ang nararamdaman mo, sign ‘yan na may mali. Kung ang partner mo ay may mga sinasabi o ginagawa na hindi nakakatulong para ma-boost ang iyong confidence, senyales din ‘yan na hindi ka niya nirerespeto. Ang sakit, ‘no?
6. HE/SHE ISOLATES YOU. Paano? Kapag umabot na sa puntong kinokontrol niya kung sino ang mga taong dapat o hindi mo dapat makasama, red flag ‘yan, besh. Alam nating mahalaga ang independence sa isang relasyon, pero kapag inilalayo ka niya sa iyong pamilya at mga kaibigan, sign ito na gusto niyang ipakita na siya ang dominante, kahit pa ang kapalit nito ay ang iyong happiness, personal relationships at self-care.
7. HE/SHE WANTS YOU TO CHANGE. Bukod sa inilalayo ka niya sa mga taong mahalaga sa iyo, red flag din ‘yung pinipilit ka niyang magbago. Halimbawa nito ay ang mga hobbies, personality traits at iba pang mahalaga para sa iyo. Paalala ng mga eksperto, kung gusto ng partner mo na baguhin ang mga nabanggit, mali ‘yun. Kapag totoong mahal ka ng isang tao, susuportahan niya ang mga gusto mo at hindi ka niya pipiliting magbago for his/her own convenience.
8. HE/SHE JUDGES YOU. Kapag ginagawa niya ito sa iyo, tiyak na hindi ka niya nirerespeto. Ang partner na palaging ipinupunto ang mga imperfection mo ay isang red flag. Halimbawa, palagi siyang may sinasabi sa iyong personality, gayundin, madalas ka niyang i-body shame — ang mga ito ay immature at manipulative ways para makontrol ang inyong relasyon.
9. IGNORES YOUR SEXUAL NEEDS & LIMITS. Na-experience mo na bang ma-pressure sa sexual activity dahil hindi ka willing o wala kang consent, o kaya naman, hindi na niya naibibigay ang sexual needs mo? Well, ayon sa mga eksperto, normal na magkaiba ang turn-ons at libido ng magkarelasyon, pero ang hindi normal ay ang pag-overstep sa sexual boundaries.
10. HE/SHE DOESN’T SUPPORT YOU. Sa totoo lang, hindi healthy ang isang relationship kung ang partner mo ay hindi naniniwalang magtatagumpay ka sa iyong mga pangarap. Kung iniinsulto niya ang iyong work ethic, minamaliit ang iyong mga achievements at kinukumbinsi ka niyang tanggihan ang mga bagong oportunidad para mapalago ang iyong career, isip-isip ka na, besh.
Ang red flag ay puwedeng lantaran o subtle lamang.
Bagama’t kailangang mag-compromise ng bawat isa para mag-work ang isang relasyon, may mga ugali na sobrang toxic at hindi dapat i-tolerate. Higit sa lahat, kailangan itong solusyunan, pero kung hindi na kaya, bitaw na.
Sa totoo lang, may mga isyu na hindi madaling mapansin, at minsan ay in-denial tayo dahil mahal natin ang tao, pero mga beshy, importanteng malaman ang mga ito upang maiwasang mabulag at hindi masyadong magbuhos ng atensyon at oras sa isang toxic na relasyon.
Oks lang din na humingi ng tulong sa mga propesyunal o sa mga taong malapit sa atin dahil ang mahalaga ay maisalba mo ang iyong sarili sa maling tao.
Gets mo?