ni Jersy Sanchez - @Gulat| July 8, 2020
Isa ka ba sa mga mabibilis maglakad o mabagal? Alam n’yo ba na ang paraan ng paglalakad ay may kinalaman sa pagiging masaya o hindi? Well, kung hindi pa, ayon sa mga eksperto, ang mga taong mabibilis maglakad o “fast walker” ay hindi masaya. Weh, ‘di nga?
Base sa isang pag-aaral, ang mga taong mabilis maglakad ay “less happy” kumpara sa mga naglalakad sa slower pace.
Ito ay dahil prayoridad umano ng mga fast walker na gawin ang kanilang goal. Dahil dito, wala sa isipan nila ang happiness dahil nagpopokus sila sa kanilang mga layunin.
Gayundin, sila ay mga perfectionist at may kakayahang paghiwalayin ang personal at work issues. Sila rin umano ang mga bihirang magpahinga at mag-unwind dahil mas gusto nilang magtrabaho nang mabilis at efficient, kaya hirap din silang kontrolin ang kanilang emosyon.
Gayunman, sila ay mas optimistic at madaling ma-satisfy, pero kapag hindi nangyayari ang mga bagay-bagay sa paraan na gusto nila, rito sila nagiging malungkot.
Kumpara sa mababagal maglakad, sila rin ay mas introvert at maingat, gayundin, hirap makipagkaibigan.
Hirap din silang mag-maintain at magdevelop ng relationship sa ibang tao.
Samantala, ang positive side ng mga taong mabilis maglakad ay ang pagiging matapang at kumpiyansa nila, na hindi basta-basta kayang tapatan ng kahit na sino.
Saan ka napabibilang, sa mabibilis maglakad o mabagal? Gayunman, ‘wag nating kalimutang magpahinga paminsan-minsan para makapag-unwind.
‘Ika nga, oks lang maging focused sa goal, pero ‘wag pabayaan ang sarili dahil kailangan ay palagi pa rin tayong happy. Okie?