ni Jersy Sanchez - @Life & Style| October 27, 2020
Dahil sa pandemic, marami ang na-lockdown sa kani-kanilang tahanan, kaya dahil sawa na sa pagi-internet, panonood ng pelikula at series, maraming nagsikap na magdiskubre ng iba pang hobbies.
Halimbawa na lang ng baking at pagluluto—ilan sa atin ang halos walang alam dito, pero dahil maraming time, may mga sumubok at successful naman. ‘Yung iba nga, ginawa pa itong business. Gayundin, kapansin-pansing marami ang nahilig sa paghahalaman. Siguro, dahil refreshing sa pakiramdam dahil bagong hobby, pero mga besh, there’s more! Knows n’yo ba na marami pang ibang benepisyo ang gardening?
AEROBIC EXERCISE. Ang simpleng pag-abot ng mga halaman at gardening tools, pagbubuhat o pag-bend habang nagtatanim ay nakatutulong sa muscles at katawan na magkaroon ng lakas, stamina at flexibility.
NAKATUTULONG SA MENTAL HEALTH. Ayon sa mga pag-aaral, ang gardening at pag-aalaga ng mga halaman ay mood boosters at nakatutulong para mabawasan ang sintomas ng depresyon at anxiety.
PRODUCTIVE. Napag-alaman ng mga researchers na ang paglalagay ng halaman sa isang silid ay nakatutulong sa productivity.
HEALTHY EATING. Sabi nga, you eat what you grow. Kung mayroon kang gulay o herb at mga prutas sa iyong garden, nakakukuha ka ng fresh produce, na alam mong hindi ginamitan ng pesticides. Gayundin, nakatitipid ka dahil dehins mo na kailangang bilhin ito sa palengke o grocery.
VITAMIN D BOOST. Sey ng experts, ang healthy dose ng Vitamin D habang nasa labas o garden ay nagpapataas ng calcium levels kung saan malaking pakinabang ito sa mga buto at immune system.
Wow! Akala natin, simpleng hobby lang ito, pero marami pa pala itong benepisyo. Kaya kung nagbabalak kang mag-gardening habang nasa bahay, make sure to give it a try. Hindi lang healthy para environment kundi pati sa ating mga sarili. Copy?