ni Jersy Sanchez - @No Problem| November 12, 2020
For sure, lahat tayo ay may hindi magandang nakasanayan. Kabilang na r’yan ang pagse-send ng impulsive text, pago-overthink at pagtatago ng feelings na alam nating hindi healthy sa ating mental health. Kaya kung isa ka sa mga gumagawa nito, narito ang ilang bagay na puwede mong gawin para maiwasan ang hindi magandang nakasanayan na ito:
IMPULSIVE TEXT. Sa halip na magtext nang napakahaba pero wala namang sense, magsulat na lang ng note sa sarili. Halimbawa, ‘pag may nagawa kang pagkakamali, ‘wag idaan sa text o chat, mas oks magsulat ng note o message para sa sarili. Kahit ano’ng gusto mong sabihin sa iyong sarili nang sa gayun ay maiwasan ang naturang pagkakamali.
IBUHOS ANG GALIT SA MAHAL SA BUHAY. Madalas, nagreresulta ito ng away at worse, nagkakaroon ng lamat ng relasyon. Mga beshy, imbes na magalit sa mahal sa buhay, subukan mong maglakad-lakad para ma-clear ang iyong isipan.
ITAGO ANG FEELINGS. Marami sa atin ang gumagawa nito dahil sa takot na ma-misunderstood o ma-judge ng iba. Mas mabuting makinig sa paboritong kanta o album dahil ang pakikinig ng music ay nakatutulong para gumaan ang ating pakiramdam.
OVERTHINKING. Nauuwi ito sa kaiisip ng mga bagay na ‘di pa naman nangyayari. ‘Yung tipong wala namang dapat ipag-alala pero nalulunod tayo sa sarili nating thoughts at ang ending, nauuwi sa anxiety. Sa halip na mag-overthink, manood ng mga nakatutuwang TV shows. Halimbawa ng mga palabas na may temang friendship, family at iba pa.
PAGKUKUMPARA SA IBA. For sure, maraming guilty rito, kaya kung isa ka sa mga beshy nating ‘di maiwasang magkumpara, easy lang. ‘Ika nga, lahat tayo ay may iba’t ibang kakayahan, kalakasan at kahinaan. Kaya imbes na magmukmok dahil wala ka ng mga bagay na gusto mo, why not ilista ang mga bagay na dapat nating ipagpasalamat?
Hindi talaga madaling baguhin, pero why not turn it into a positive one? Kumbaga, i-handle natin ang sitwasyon sa ibang paraan—this time, in a healthy and positive way.
Step by step, alam naming kaya mo ‘yan. Make sure na susundin mo ilang tips na ito. Keri?