ni Jersy L. Sanchez @Life & Style | April 24, 2023
Ngayong ‘digital age’, parte na ng araw-araw nating pamumuhay ang paggamit ng laptop o computer, smartphone at iba pang electric devices na mayroong blue light.
At dahil hindi maiwasan, nakakabahalang magdulot ito ng hindi magandang epekto sa ating katawan, partikular sa ating balat.
Bagama’t may mga pag-aaral at ebidensya na nagsasabing ang blue light exposure ay nakakasira sa ating pagtulog – kaya hindi inirerekomenda ang pag-scroll sa socmed before bed time – mas kumplikado umano ang epekto ng blue light sa balat.
At sa totoo lang, hindi natin matitiyak kung gaano karaming blue light exposure ang nakakapagpabilis ng pagtanda ng ating balat, pero hindi ibig sabihin nito na wala na tayong gagawin upang mapigilan ang skin aging.
Sa isang pag-aaral noong 2018 tungkol sa blue light at wrinkles, ang isang oras ng exposure sa blue light ay nakakapagdulot umano ng reactive oxygen species (ROS), na may kaugnayan sa premature aging ng balat.
Samantala, sa isang pag-aaral nito lamang taon, napag-alaman na may kaugnayan ang reactive oxygen species at skin damage, kung saan napabilis umano nito ang aging process. Gayunman, binigyang-diin ng mga eksperto na hindi pa nila alam ang ‘precise’ o tukoy na dahilan ng aging process.
Kaya naman, para maiwasan ang mabilis na aging process at maprotektahan ang inyong skin laban sa wrinkles at dark spots, narito ang ilang tips:
1. MATULOG. Ayon sa pag-aaral, bukod sa blue light, isa ring dahilan ng early aging ay ang poor sleep o kakulangan ng tulog. May isang pag-aaral na ang kakulangan ng tulog ay may malaking epekto sa mababang recovery ng skin barrier. Dahil dito, bagama’t hindi natin kontrolado kung gaano kahabang oras tayong nakatutok sa work computer, make sure na bawasan din ang oras ng panonood ng TV bago matulog upang mas mabilis na makarecover ang ating skin barrier at matulog nang maaga upang mas mabilis na maka-recover ang skin barrier.
2. SKIN CARE. Rekomendasyon ng experts, mag-apply ng antioxidant tulad ng Vitamin C serum, na nakakatulong sa pag-brighten at pag-neutralize ng environmental damage sa ating skin. Napakarami nang available na serums sa local drug store at sobrang affordable pa, kaya naman, kering-keri ‘yan ng budget.
3. MINERAL SUNSCREEN. Inirerekomenda rin ng mga eksperto na pumili ng mineral sunscreen na may kakayahang ma-block o harangan ang UV rays mula sa araw. For sure, alam nating na lahat na mahalagang mag-apply ng sunscreen kung lalabas ng bahay, pero knows n’yo ba na dapat pa ring gumamit nito kahit hindi tayo lalabas? Yes, besh, ‘yan ay dahil posible pa ring makaapekto ang sunlight sa skin kahit nasa loob ka, gayundin kung gagamit ka ng electronic devices tulad ng laptop o computer, cellphone, at TV.
Kung ginagawa mo na ang mga naturang tips, ipagpatuloy n’yo lang ang mga ito. Para naman sa mga ka-BULGAR na nagsisimulang alagaan ang kanilang balat laban sa mabilis na aging, make sure na gagawin n’yo ang mga nabanggit na rekomendasyon.
Gets mo?