top of page
Search

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Jan. 8, 2025





Naging usap-usapan kamakailan ang PBA player na si Juami Tiongson matapos niyang ibulgar na isa si Paolo Contis sa mga dahilan ng kanyang hiwalayan sa aktres na si Arra San Agustin. 


Sa isang candid interview kasama ang ilang PBA players ng San Miguel Beer (SMB), tila hindi napigilan ni Juami na maglabas ng saloobin tungkol sa umano’y papel ni Paolo sa pagguho ng kanilang relasyon ni Arra.


Ayon kay Juami, nagsimula ang tensiyon nang maging close sina Paolo at Arra sa set ng mga palabas na Bubble Gang (BG) at Tahanang Pinakamasaya (TP). 


“Feeling ko talaga, may something fishy sa closeness nila,” ani Tiongson. 


Ibinunyag pa niyang madalas magdala ng mga regalo si Paolo para kay Arra at palaging nagbibigay ng special attention sa aktres. 


Bagama’t ilang beses idiniin ni Arra na wala silang malalim na koneksiyon ni Paolo, aminado si Juami na hindi niya maiwasang magselos. Dito na raw nagsimula ang sunud-sunod nilang away na kalaunan ay naging dahilan ng kanilang hiwalayan.


Si Paolo ay isang natural na charmer sa set. Sa likod ng kamera, tila si Paolo ang nagbibigay ng kulay sa araw ni Arra. 


Ayon sa mga chika mula sa production team ng BG, madalas umupo si Paolo sa tabi ni Arra tuwing break. Ang kanilang tawanan at kuwentuhan ay nagiging sentro ng atensiyon ng lahat. 


“Parang feel na feel talaga ni Paolo si Arra,” sabi ng isang source. 

Dagdag pa ng source, naging mas ganado raw si Paolo sa trabaho dahil kay Arra. 

Hmmm… kilig-kiligan much?


Wala na nga ba sila ni Yen Santos? Habang iniintriga ang ugnayan nina Paolo at Arra, muling lumutang ang balita tungkol sa umano’y paghihiwalay nina Paolo at Yen Santos.


Nagsimula ang espekulasyon nang mag-delete si Yen ng kanilang mga larawan sa social media at i-unfollow si Paolo.


Pero teka, may pasabog — ayon sa nanay ni Yen, never daw naging sila ni Paolo. 

“Magkaibigan lang sila, ‘noh!” saad nito, na tila nagpapahiwatig na baka nagkaroon lang ng misunderstanding ang publiko tungkol sa kanilang relasyon.


Ngunit ang tanong, may kinalaman kaya si Arra sa diumano’y split nina Paolo at Yen? 


Ayon sa isang insider, tila naging malapit sina Paolo at Arra sa mga huling buwan ng taping ng BG. Naging mas sweet umano si Paolo kay Arra, dahilan para magduda ang marami.


Isang source pa ang nagdagdag na si Arra raw ang ‘bagong inspirasyon’ ni Paolo. ‘Kaloka, ‘di ba?


Sa gitna ng lahat ng kontrobersiya, mariing itinanggi ni Arra na si Paolo ang kanyang 'secret boyfriend'. 


Aniya, “Nakaka-pressure naman ‘yung mga intriga! Wala po akong boyfriend ngayon, work lang focus ko.”


Pero siyempre, hindi pa rin maawat ang mga Marites sa paghabi ng sariling teorya.


Samantala, tuluyan nang naglabas ng hinanakit si Juami. Hindi na siya makatiis. 

Sa huli, ramdam ang sakit sa boses ni Juami nang magbahagi ng mensahe tungkol sa nangyari. 


“Ginawa ko lahat para maging okey kami, pero mahirap kapag may third party na pumapasok,” saad niya. 


Sinabi rin niyang sana’y maging masaya na lang si Arra, kahit pa masakit para sa kanya ang mga nangyari.


Habang patuloy na umiinit ang kontrobersiya, marami ang nag-aabang kung magsasalita rin ba sina Paolo o Arra tungkol sa isyu. 


Makakakuha kaya tayo ng closure sa chika levels to the max na ito o mananatiling isang malaking misteryo ang lahat? 


Abangan ang susunod na kabanata! ‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #MaritesInChief #Talbog


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Jan. 6, 2025





Hindi matatawaran ang sipag at dedikasyon ng nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa pagpo-promote niya pa rin ng pelikulang Uninvited. Kahit nabalot ng kontrobersiya ang hindi pagkapanalo ni Ate Vi as Best Actress sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan tinalo siya ni Judy Ann Santos, buong-puso itong tinanggap ni Ate Vi with so much humility and grace. 


Tinapos pa rin niya ang awards night at take note, hindi siya nag-walkout, mga Ka-BULGARians, hindi katulad nu’ng isang aktres na nag-walkout nu’ng hindi nanalo last year.


Napakaganda ng ipinakitang ehemplo o halimbawa ni Ate Vi sa ating lahat, kaya heto, super blessed pa rin siya at ang buong cast ng Uninvited dahil dumadagundong na ang pangalan nito sa international scene, mga ateng! 


Isa itong pelikulang may lalim, emosyon, at aksiyon na siguradong tatatak sa puso ng

mga manonood.


Sa mga hindi pa nakakapanood, aba, mga mars, huwag nang paawat dahil eto na ang listahan ng mga international screenings — January 2: UAE, Qatar, at Bahrain; January 10: US at Canada; January 19: Malta at Paris, France.


Ang pelikulang ito, na opisyal na kalahok sa ika-50 MMFF ay pinagbibidahan ng Star for All Seasons Vilma Santos, na nagpatunay muli kung bakit siya ang Reyna ng Pinilakang Tabing. 


Grabe, mga sis, ibang level ang performance ni Ate Vi rito – parang sinasaksak ang puso mo sa bawat eksena!


Ang kuwento? Juicy at intense! Sa isang sosyal na party ng bilyonaryong negosyante (played by Aga Muhlach), biglang rumampa si Vilma bilang Eva, isang ina na buong-tapang na bumangga sa mga kalalakihang pumatay sa kanyang anak isang dekada na ang nakararaan. 


Naging vigilante si Eva, at isa-isa niyang pinatay ang mga kontrabida — mula kina Cholo Barretto bilang Celso Batac, Ketchup Eusebio bilang Jomar Maitem, hanggang kay Gio Alvarez bilang Randall Ballesteros.


Pero wait lang, mga ‘teh, hindi lang ito basta revenge story. Binigyang-diin din ng pelikula ang mga sensitive na isyu tulad ng karahasan, katiwalian, mental health, at ang kabayanihan ng isang ina. Talaga namang itinatak ni Direk Dan ang mga flashback para mas mapiga ang emosyon ng bawat eksena.


Ang cast? Wagas, mga sis! Mula sa pagganap ni Nonie Buencamino - kahit maikli ang role - hanggang kina Mylene Dizon bilang Katrina Vega (asawa ni Guilly), Tirso Cruz III bilang Colonel Red, at Lotlot de Leon bilang Norma, todo ang intensity. Alam mong pinag-isipan ang bawat casting at execution. 


At ang villain? Juicy ang pagka-intense ng karakter ni Guilly na ginampanan nang bongga ni Aga.


Milya-milya ang narating ng pelikula sa dami ng isyung tinatalakay nito. Habang ang ibang biktima ay natakot, tumanggap ng suhol, o tumakas na lang, si Eva, tumayo bilang boses ng hustisya. 


Shocks lang, mga bes, parang sinampal ka ng reality check – ano’ng gagawin mo kung ikaw si Eva?


Hindi rin nagpahuli ang audience reactions — imagine mo, palakpakan sa dulo ng bawat screening! Ang sarap sa puso na makitang maraming naka-relate, naantig at naliwanagan.


May ilang eksenang medyo over sa execution, pero hindi mo ito mararamdaman dahil sobrang lakas ng climax. Hindi rin maiiwasang ikumpara ito sa ibang MMFF entries tulad ng And The Breadwinner Is… (ATBI) ni Vice Ganda, pero mga bes, ibang liga ang Uninvited.


Isa itong pelikula na hinding-hindi mo malilimutan. Bukod sa all-star cast, ang kuwento mismo ay tumagos sa puso ng mga tao. 


Kaya kung may time kayo, mga bakla, i-schedule na ang panonood abroad!

Congratulations sa buong team ng Uninvited! Isang pelikula itong hindi lang para sa aliw kundi para rin sa pagbabago. 


Bravo, Ate Vi, at sa lahat ng bumuo ng obra maestrang ito!

‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan

 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Jan. 5, 2025





Kilalang palaban at walang preno, muling pinatunayan ni Annabelle Rama na hindi siya magpapatalo pagdating sa mga mahal niya sa buhay. 


Sa isang recent ganap, binasag ni Annabelle ang katahimikan at diretsahang binara si John Estrada tungkol sa mga ginagawa umano nitong pagpapapansin kay Barbie Imperial.


Sa gitna ng isang ambush interview, walang halong arte o pasosyal si Annabelle nang sabihin niya ang kanyang saloobin. 


“‘Pag trabaho, trabaho lang. ‘Wag nang kukulitin ang mga batang kababaihan, tigilan mo na si Barbie, Dong. Mahiya ka naman, ang tanda mo na!” wika niya nang may halong diin at pangingilag. Talagang walang filter, mga Ka-BULGARians!


Usap-usapan kasi ang closeness nina John at Barbie noong magkasama sila sa taping ng Batang Quiapo (BQ). Pero ngayon, tapos na ang showbiz trabaho ni Barbie sa serye, kaya bakit daw kailangan pang i-maintain ni John ang ‘communication’? Sino ba ang source? Si Marites ba o ang mga tita-tits sa likod ng kamera?


Ang mas nakakaloka, hindi lang simpleng friendship over ang pinag-uusapan. Ayon sa mga chika, tila nawiwindang ang mga fans sa isyung may love triangle umano sa pagitan nina Barbie, John, at Richard Gutierrez. 


True ba itez? Sabi nga ng mga netizens, “Ano na, ‘teh? Dapat pang-MMK ang drama!”

Kung bakit naman super-affected si Annabelle, eh, dahil daw naging close si Barbie sa pamilya ng Gutierrez. May tsikang si Barbie ay may something-something noon kay Richard, kaya naman protective si Tita A. 


Minsan nang pinatunayan ni Annabelle na kahit hindi niya literal na anak, kayang-kaya niyang depensahan ang mga taong malapit sa kanya. Ang taray ni mader, ‘di ba?


Nang tanungin kung siya na ba ang bagong manager ni Barbie, cryptic ang sagot ng Queen Mother, “Malalaman ng mga tao sa mga susunod na araw.” 


Hmmm, ano kaya ang pasabog? Manager vibes ba o Marites extraordinaire lang?

Dahil nga sa dami ng eksenang ito, trending din ang ganap nina Barbie at Richard na kasalukuyang nasa Japan. Pero ang catch? Magkahiwalay silang nagbabakasyon.


Walang sweet photos, walang clingy moments, kaya naman hindi maiwasan ng mga tao na magtanong: “Split na ba sila?”


Kung may ganap nga sa pagitan nina John at Barbie, dagdagan mo pa ng posibilidad ng tampuhan nina Barbie at Richard. 


Aba, eh, parang teleserye na ang peg ng drama nila. 

Si John naman, still tahimik sa mga patutsada ni Annabelle. Huwag nang umasa ng sagot agad, kasi nga naman, baka mas lalong mabudol ang plot twist.


Habang tikom pa ang bibig ng lahat ng involved, tuloy ang chikahanchi ng mga tao sa social media. 


Ang tanong, matatapos ba ito bilang simpleng issue lang o isa na namang climactic chapter ng madrama nating showbiz world?


Abangan na lang natin ang next eksena. Sabi nga ni Annabelle, “Dong, mahiya ka naman!” 


Baka naman next time, may bagong bida sa kuwentong ito. Ang importante, maayos ang lahat —o baka naman, magkabukingan na! Choz!


‘Yun na! Ambooolancia!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page