ni Janiz Navida @Showbiz Special | Dec. 8, 2024
Photo: Lito Atienza, Manny Pacquiao at Isko Moreno - FB Lito Atienza
Si Pambansang Kamao-turned Sen. Manny Pacquiao ang sinuportahang pangulo ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza nang kumandidatong pangulo noong 2022 national elections.
Pero aminado ang former Manila mayor na malapit din siya kay ex-Mayor Isko Moreno. In fact, ipinagmalaki niya sa amin nang makatsikahan namin siya a few days ago na siya mismo ang nag-train sa dating aktor-turned politician.
"Isko is a very good politician. Tanungin mo ako bakit ko alam? Ako rin ang nag-training d'yan, eh," all-smiles na sabi ni Cong. Lito.
Kaya ang tanong namin sa kanya, kung siya pala ang mentor ni Isko, bakit hindi niya ito sinuportahan nang tumakbong pangulo nu'ng 2022, instead, kumandidato siya bilang vice-president ni Pacquiao?
Prangkang sagot ni Cong. Lito, "Eh, tumakbo si Manny Pacquiao, eh. Sinabi ko naman sa kanya (Isko) 'yun. Sabi ko, 'Isko, ikaw ay first term mayor, tatlo ang term mo, tapusin mo 'yan. Gusto kitang tulungan pero 'di kita matutulungan, kasi tatakbo 'yung aking tinutulungan, si Manny Pacquiao.'"
Malaki ang bilib ni Cong. Lito kay Sen. Manny na nakilala niya nu'ng nag-uumpisa pa lang na boksingero ang Pambansang Kamao.
Papuri pa niya kay Pacquiao, "I tell you and I still say now, if Manny Pacquiao have won, we would be very, very smiling today and we would have found the right leader."
Dagdag pa ng tatay ni Kim Atienza, blessed na raw tayong mga Pinoy sa natural resources, ang kailangan na lang natin ay tamang lider.
"Kailangan, ispiritwal ang lider. Kailangan, meron ding kunsensiya," aniya.
Bakit hindi nakinig si Isko sa kanya at tumakbo pa ring pangulo nu'ng 2022?
Diretsong sagot ni Cong. Lito, "Mapusok pa siya noon. Kailangang makatikim ng hagupit ng tadhana (laughs)."
Kung tatakbo uling pangulo si Sen. Manny Pacquiao sa 2028, susuportahan ba uli ni Cong. Lito Atienza?
"Not necessarily. Pag-iisipan nating mabuti kung ano'ng makakabuti para sa ating bansa, 'yan ang gagawin natin. Pero by the time nasa Kongreso kami, we will do our best to do everything we can as lawmakers to improve the quality of life," hirit pa ng kongresista na muling tatakbo bilang first nominee ng Buhay Partylist sa 2025 mid-term elections.
JOSE MARI CHAN, PINAPURIHAN NG FFCCCII
Taos-pusong nagpapasalamat ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa renowned singer-songwriter at respetadong businessman na si Jose Mari L. Chan for his unwavering support sa various socio-civic charitable endeavors ng organisasyon.
Sa ginanap na gathering kamakailan sa pangunguna ni Dr. Cecilio K. Pedro, president of FFCCCII, pinapurihan nito ang malaking contribution ng tinaguriang Father of Christmas Songs sa kanilang mga charity works, highlighting the federation’s extensive network of 170 Filipino Chinese chambers and diverse industry organizations nationwide from Aparri to Tawi-Tawi.
Malaki ang ginagampanan ng FFCCCII sa economic advocacy, calamity relief, free medical missions, at pagsuporta sa rural public schools, gayundin sa pagbibigay-tulong sa mga Filipino Chinese volunteer fire brigades na sumasaklolo sa mga biktima ng sunog at disasters sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Tulad na lang sa nakaraang anim na bagyong tumama sa 'Pinas, pinangunahan ng FFCCCII ang Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation para mai-deliver ang mga emergency food relief supplies sa mga tinamaan ng bagyo sa Bicol region, pati ang mga flood-affected areas sa Metro Manila at iba pang lalawigan.
Jose Mari Chan and Dr. Cecilio Pedro reiterated the longstanding commitment of the Filipino Chinese business community to assist fellow Filipinos affected by disasters and to uplift underprivileged communities across the nation.