ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 27, 2025
Photo: Maja Salvador - IG
Matagal ding hindi nakita at nakaharap ng entertainment media ang tinaguriang Queen of the Dance Floor na si Maja Salvador, kaya sa ginanap na renewal of contract niya kahapon sa Solaire North bilang Beautederm ambassadress for Blancpro kasama ang CEO ng pinakasikat ngayong skin care brand na si Ms. Rei Anicoche Tan, ang daming tanong sa aktres-dancer tungkol sa kanyang motherhood at sa mga nabago sa kanyang buhay ngayon after niyang ikasal at magkaanak.
Aminado si Maja na na-miss niyang umarte at pati ang showbiz, kaya naman nag-usap daw sila ng mister na si Rambo Nunez na magbabalik-acting muna siya sa TV5 at dahil kapipirma nga lang niya ng kontrata, hindi muna siya magbe-baby uli hangga't ‘di niya natatapos ang kanyang pinirmahan.
Suportado at naiintindihan naman daw ito ng asawa.
Ang problema lang daw ni Maja, tumaba siya ng 25 lbs. nang magbuntis kaya todo-diet siya ngayon at pabiro nga niyang katwiran kay Ma'm Rei ng Beautederm, hangin na lang ang kinakain niya bilang paghahanda para sa kanyang pictorial para sa skin care brand.
Hiyang-hiya raw kasi siya kay Ma'm Rei na at the age of 44, eh, baka mas magmukha pa raw siyang tita ng CEO kapag nagtabi sila sa pictorial.
Kaya nga para sa isa pang project na niluluto nila bukod sa Blancpro, nakiusap si Maja kay Ma'm Rei na i-postpone muna ang photo shoot at mas magpapapayat pa siya.
Good thing naman daw na magaling bumalanse si Ma'm Rei na hindi lang basta ‘boss’ ni Maja kundi ninang din sa kasal, na kahit feeling niya ay mataba siya, nabu-boost nito ang kanyang confidence.
But no regrets naman si Maja na pansamantala siyang nagpahinga sa showbiz to give way sa kanyang family life, na sabi nga niya, ang pagiging ina ang kumumpleto sa kanyang pagkababae.
Kakaibang happiness daw ang na-feel ni Maja sa pagkakaroon ng anak kaya kahit nahirapan nu'ng una, gusto pa raw niyang masundan si Maria.
Marami na nga ang nag-aabang sa face reveal ni Maja sa first born nila ni Rambo dahil kahit magwa-one year old na si Maria sa June 1, hindi pa rin ipinapakita ng mag-asawa ang kanilang little princess sa social media.
Pero valid naman ang katwiran ni Maja dahil pinoprotektahan lang daw niya ang anak at ayaw matulad sa mga anak ng ibang celebrities na dahil proud na ipinost ang picture ng baby sa socmed, kahit inosenteng bata, nalalait pa rin ng mga feeling perfect bashers.
“Ang pinakaayoko lang kasi, like ‘di ba, nag-iiba kasi ‘yung mukha ng bata? So, ‘pag ipinost mo na ng sanggol pa lang, tapos ‘yun na ba agad ang mukha? Siyempre, iko-compare bilang artista, ‘Ang ganda nu'ng nanay, ah, nagmana sa ganyan.’ Parang ‘di ba, inosente ‘yung mga bata, tapos…” paliwanag ni Maja kaya hindi pa nila inilalabas ni Rambo ang picture nito sa socmed.
Well, may point naman talaga si Maja. Pero take note, ha, hindi pa man nila inilalabas ni Rambo ang mukha nito, ang dami na raw agad nag-aalok ng endorsement.
Oh, bongga naman ‘yun, devah?
Anyway, isa si Maja sa pinakamasisipag na mag-post sa socmed ng ine-endorse nitong Beautederm Blancpro products kaya no wonder na love na love talaga siya ni Ma'm Rei dahil hindi siya ‘yung tipo ng endorser na pera-pera lang at ‘pag nabayaran na, tamad-tamaran na sa pagpo-post at makuwenta pa.
Naku, ‘wag n'yo na kaming pilitin kung sinu-sino sila at baka madulas pa kami. Hahahaha!
Mas pumayat pa sa dati…
KRIS, BUTO’T BALAT NA KAYA ‘DI MAKATAYO
MARAMI ang naawa at naging emosyonal pa nga ang iba nang makita ang latest photo ni Kris Aquino sa Facebook habang inaalalayang maglakad ng kanyang bunsong anak na si Bimby.
Kitang-kita kasi sa full body shot nina Kris at Bimby na buto't balat na ang dating pinakasikat at most powerful na TV host-endorser.
Maging sa reaksiyon ng mukha ni Kris ay kitang-kita ang matindi niyang paghihirap sa kanyang pinagdaraanang sakit.
Kung wala siguro ang kanyang dalawang anak na sina Bimby at Joshua, matagal nang nag-give-up si Kris dahil sa hirap na kanyang dinadala ngayon sa kanyang kalusugan.
Inulan naman ng mga komento ng pagbibigay ng healing prayers ang naturang post sa FB ng picture ni Kris na hitsurang buto't balat na nga.
Mas pumayat pa siya kesa nu'ng nag-appear siya in public para bigyan ng suporta ang closest friend niyang designer na si Michael Leyva na binigyan ng award sa Stargate People Asia People of the Year 2025.
Well, wish naming makuha pa rin sa dasal at bigyan pa ng mahabang buhay si Kris para na lang din sa kanyang dalawang anak.