ni Jeff Tumbado @News | September 26, 2023
Ang mga basura na bahagi lamang ng gabundok na nakolekta ng mga scuba divers sa 1st Scuba-surero Underwater Clean-up Drive na isinagawa sa Driftwood Beach, Barangay Barretto, Olongapo City.
ni Jeff Tumbado @News | September 26, 2023
Ang mga basura na bahagi lamang ng gabundok na nakolekta ng mga scuba divers sa 1st Scuba-surero Underwater Clean-up Drive na isinagawa sa Driftwood Beach, Barangay Barretto, Olongapo City.
ni Jeff Tumbado @News | September 25, 2023
Ang ilang mga natirang residente ng District 4 sa Barangay Roxas, Quezon City na naiwan sa evacuation center sa multipurpose gym at hindi pa makabalik sa kani-kanilang bahay kahit humupa na ang tubig-baha dahil hindi pa naiaayos ang mga kagamitan sa loob ng bahay na nananatiling maputik ang lugar.
ni Jeff Tumbado @News | September 22, 2023
Guilty umano sina dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy at dating Philippine Army Lt. General Antonio Parlade, Jr. sa paggawa ng maling impormasyon at pag-red-tagged sa National Union of Peoples Lawyer (NUPL) noong Duterte administration.
Ito ang naging hatol at desisyon ng Office of the Ombudsman sa kaso nina Badoy at Parlade kasabay ang pagbibigay ng pangaral sa mga ito patungkol sa ginawang maling aksyon bilang alagad ng gobyerno.
Sa inilabas na desisyon ng ahensya kahapon, at nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires noong Agosto 9, 2023, kapwa sinermunan nito ang dalawang dating opisyal makaraang mapatunayang may merito o balido ang reklamo na inihain ng NUPL.
Subalit, sinabi ng Ombudsman na walang rason para kasuhan ng grave misconduct ang dalawang dating opisyal ng NTF-ELCAC dahil ang red-tagging o red-baiting ay hindi saklaw sa konstitusyon ang intensyonal na pagkakamali o sadyang lumabag sa batas.
Sa kabila nito, nagkasala ang dalawa sa paglabag naman sa tinatawag na “conduct prejudicial to the best interest of the service” dahil ang kanilang naging pahayag na inilabas laban sa NUPL ay malinaw na kritisismo at pinagbintangang komunistang samahan.
Sina Badoy at Parlade ay nahaharap sa kaliwa't kanang reklamo sa Ombudsman dahil sa walang tigil na red-tagging sa mga grupo o indibidwal na pinagkakamalang komunista.