top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | October 8, 2023




Laya na pansamantala ang drag queen na si Pura Luka Vega matapos makapagpiyansa nitong Sabado. Si Vega o Amadeus Fernando Pagante sa tunay na buhay ay inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District noong Miyerkules dahil sa kasong isinampa ng Hijos del Nazareno dahil umano sa paglapastangan sa Poong Nazareno sa isang drag show.


Itinakda ng korte ang P72,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng drag queen. Naaprubahan ang motion for bail ni Pura Luka noong Biyernes subalit, hindi agad nakalabas ng kulungan dahil naabutan ng pagsasara ng korte ang pagproseso sa pansamantalang paglaya nito.


Ang kaso laban kay Pura Luka ay nag-ugat sa panggagaya nito sa Nazareno habang kinakanta at sinasayaw ang bersiyon nito ng "Ama Namin" na ikinagalit at ikinainsulto ng mga deboto ng Nazareno.



 
 

ni Jeff Tumbado @News | October 7, 2023




Si Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali (una sa kaliwa) habang nagpapaliwanag kina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Floor Leader Manuel Dalipe at Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, kung papaano reresolbahin ang problema sa mga magsasaka sa probinsya kasabay na pababain ang presyo ng bigas sa merkado sa bansa na mapakinabangan na ng mga mamimili.



 
 

ni Jeff Tumbado / Benjamin Chavez @News | October 6, 2023




Sumuko na sa tanggapan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang anim na pulis na isinasangkot sa pagpaslang sa 17-anyos na binatilyo na si Jemboy

Baltazar sa Navotas City.


Ang nasabing pagsuko ng mga pulis ay kasunod ng paglabas ng arrest warrant sa kasong murder laban sa kanila ni Presiding Judge Pedro Dabu ng Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch 286.


Araw ng Miyerkules, Oktubre 4, nang sumuko sa tanggapan ng CIDG Provincial Headquarters sa Camp Nakar, Lucena City sina Police Executive Master Sgt. Roberto Balais, Jr.; Police Staff Sgt. Gerry Maliban; PSSgt. Antonio Bugayong, Jr.; PSSSgt. Nikko

Pines Esquilon; Police Cpl. Edmard Jade Blanco at Patrolman Benedict Mangada, dating

mga nakatalaga sa Station Drug Enforcement Group ng Navotas City Police Office.


Agad sumalang sa booking process at documentation ang mga pulis na kapwa napatunayang nagkasala sa pagpatay kay Baltazar noong Agosto 2 sa pumalpak na operasyon dahil napagkamalan lamang ang binatilyo na suspek.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page