ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 18, 2020
Pumanaw na ang Japanese actor/singer na si Haruma Miura sa edad 30. Ayon sa ulat ng pulisya, natagpuang nakabigti si Miura sa kanyang bahay sa Minato Ward, Tokyo nitong Sabado ng hapon. Isinugod ang aktor sa ospital ngunit agad ding binawian ng buhay.
Nakatakdang pumasok sa trabaho si Miura ngayong araw kaya naalarma ang kanyang mga katrabaho nang hindi siya sumipot. Doon na hinanap ng mga ito ang aktor.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, wala umanong foul play na naganap at suicide ang dahilan ng pagkamatay ng aktor. Samantala, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya.
Kabilang sa mga television appearance ni Haruma ay ang Gokusen: The Movie, Attack on Titan, Spellbound, Crows Zero, atbp..