ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 29, 2020
Iniimbestigahan na ng awtoridad ng New York ang ginanap na drive-in concert ng Chainsmokers sa Hamptons dahil sa diumano’y paglabag sa social distancing guidelines.
Ayon sa ipinadalang sulat ni New York State Health Commissioner Dr. Howard Zucker kay Southhampton's Supervisor Jay Schneiderman, ang New York ay nananatiling nasa ilalim ng state of emergency dahil sa COVID-19 pandemic at isa sa mga guidelines na kailangang sundin ay ang social distancing. Ipinagbabawal din sa naturang bansa ang mass gatherings ng hihigit sa 50 katao.
Saad ni Zucker sa naganap na concert, "Thousands of people in close proximity, out of their vehicles, a VIP area where there was no pretense of a vehicle, and generally not adhering to social distancing guidance.
"I am at a loss as to how the Town of Southampton could have issued a permit for such an event, how they believed it was legal and not an obvious public health threat.”
Samantala, ayon naman kay Schneiderman, ang mga organizers ng naturang event ang dapat sisihin sa naturang insidente.
Aniya, "They opened up a VIP pit area and that was where most of the problems were.
"As proposed to us, it met the guidelines. However, the organizers didn't strictly adhere to it."