ni Jasmin Joy Evangelista | October 16, 2021
Adele is officially back!
Matapos ang halos anim na taon ay nag-comeback na ang singer-song writer na si Adele with her long-awaited new single na “Easy on Me”.
Agad na nag-trend ang British pop star matapos i-premiere sa YouTube ang kanyang kanta at sa ngayon ay mayroon na itong 41 million views.
Nag-trend din siya sa Twitter at naging usap-usapan sa iba’t ibang social media platform
Ang ‘Easy on Me’ ay kabilang sa ilalabas nitong album na “30” sa darating na Nobyembre 19.
Nakilala ang singer sa mga kanta niya tulad ng “Chasing Pavements”, “Rolling in the Deep”, “Someone Like You”, “Hello” at maraming iba pa.
Nakakuha rin ito ng 15 Grammy Awards, 9 na British awards at kinilala bilang most influential people sa buong mundo ng Time magazine mula 2012 at 2016.