ni Jasmin Joy Evangelista | March 31, 2022
Magre-retire na sa pag-arte ang stat ng “Die Hard” franchise at iba’t ibang action movies na si Bruce Willis matapos ma-daignose na may aphasia, isang sakit na nakaaapekto sa cognitive abilities, ayon sa kanyang pamilya.
Si Willis, 67, na sumikat noong 1980s sa kanyang comedy-drama series na “Moonlighting”, ay lumabas sa nasa 100 pelikula sa loob ng apat na dekada niyang career kung saan naging remarkable sa kanyang roles sa “Pulp Fiction” at “The Sixth Sense,” at nagwagi sa Golden Globe Award at dalawang Emmys.
Nakilala rin siya sa pagganap bilang New York cop na sumigaw ng “Yippee Ki Yay” habang hinahabol ang masasamang loob sa limang “Die Hard” movies na ini-release noong 1988 hanggang 2013.
“This is a really challenging time for our family and we are so appreciative of your continued love, compassion, and support,” pahayag ng kanyang pamilya.
Sina Willis at Demi Moore ay isa sa Hollywood’s most high-profile celebrity couples noonh 1990s bago pa ito mag-divorce noong 2000, ngunit nanatili silang close matapos ang break-up. Siya ay kasalukuyang kasal sa model at aktres na si Emma Heming at ama sa limang anak sa dalawang nasabing babae.
“We are moving through this as a strong family unit, and wanted to bring his fans in because we know how much he means to you, as you do to him,” ayon sa pahayag na pirmado ng pamilya ng aktor at ibinahagi sa Instagram ng anak nila ni Demi Moore na si Rumer.
Ang Aphasia ay isang kondisyon na nakaaapekto sa kakayahang magsalita at makipag-communicate sa iba. Kadalasan itong nade-develop matapos na ma-stroke o magkaroon ng head injuries, ngunit posible rin na dahil sa brain tumors o degenerative diseases, ayon sa Mayo Clinic.