ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | August 21, 2023
Maraming mga Pilipino ang nahuhumaling sa K-Drama o Korea drama mula noong inere ito sa Pilipinas, sinundan ito ng mga sikat pang palabas na nakapukaw sa puso ng ating bayan.
Ang pagtaas ng popularity nito ay tinawag na “Hallyu” na ang ibig sabihin ay “Korean wave.” Ito ay tumutukoy sa paglaganap ng kanilang entertainment sa buong mundo.
Ang Koreanovela ay parte na ng buhay ng mga Pilipino, mula sa telebisyon, pagkain, pananamit, atbp. Ngunit ang tanong na gustong malaman ng mga tao, bakit nga ba attracted ang mga Pinoy dito?
1. ATTRACTIVE ACTORS. Obvious naman na ang mga Korean actors ay attractive, good-looking, at the same time ay talented. Maraming Pilipino ang na-i-inlove sa genre ng Korean dramas dahil sa mga crush nilang leading man at leading lady. Gayunman, kung napapansin n’yo ay bihirang magtambal muli sa ibang teleserye ang mga actor at aktres dahil wala silang permanenteng team-up. Kaya, medyo mahirap sa mga manonood na makita muli ang favorite nilang couple.
2. HINDI MADALING MAHULAAN ANG STORYLINES. Sa mga Korean drama, hindi ganu’n kadali hulaan ang kanilang storyline kumpara sa mga local drama, pati na rin ang pacing ng plot. Cohesive rin ang mga Korean writers pagdating sa storytelling. Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming manonood ang attracted dito.
3. KARAMIHAN AY G-RATED. Ang mga K-drama ay G-rated, ibig sabihin ay bihira silang gumamit ng masasamang salita, ang mga love scenes ay hindi ganu’n ka-grabe. In fact, ang makakita ng halikan sa mga Koreanovela ay isang nang balita. Kadalasan, ang mga K-drama ay naglalaman ng family-friendly themes kung saan ay puwede kang manood kasama ang inyong pamilya.
4. CULTURAL APPEAL. Ang panonood ng K-drama ay isang educational, dahil na-a-absorb mo ang mga impormasyon tungkol sa iba’t-ibang kultura. Matututunan mo rin ang iba’t ibang society norms at mauunawaan na ang sapatos ay hinuhubad sa pintuan nang walang sinuman ang kailangang magsabi sa iyo.
5. KITANG-KITA ANG CREATIVITY. Ang mga K-drama ay successful pagdating sa storytelling, kapag maraming elements ang ipinapakita at ang mga manonood ay pinaniniwala sa fiction world. Ang production team ay hindi na kailangan mag-effort sa kanilang craft. Mula sa location, set up, sounds, editing at cinematography, pero sinisigurado nilang maganda ang kalalabasan ng kanilang final product sa screen.
6. ROMANTIC STORY NA ‘DI KAILANGAN NG MALALASWANG SCENE. Ang maganda sa K-drama ay hindi nila kailangang magpakita ng malalaswang eksena pagdating sa romantic scene. Tungkol lang naman ito, sa kung paano mararamdaman ng mga manonood ang sakit at saya ng couples sa istorya, hindi sa kung gaano karami ang balat na dapat nilang ipakita.
7. MAGANDANG PANANAMIT. Ang fashion sa K-drama ay tiyak na may trend appeal kaya naman ang mga Pilipino ay naiimpluwensyahan na ng mga Korean fashion style, pati na rin ang kanilang mga hairstyle.
8. VOCABULARY STRETCH. Isa rin sa dahilan kung bakit attracted ang mga Pilipino sa K-drama ay dahil sa kanilang nakakatuwang accent. Bukod dito, alam na rin ng mga Pilipino ang ilang Korean words at phrases tulad ng “thanks” at “sorry” sa panonood lamang nito. At ang mahalaga, malalaman mo rin kung ano ang ibig sabihin ng “Oppa” kapag nagsimula kang manood ng kanilang mga palabas.
9. GUMAGAWA NG EMOTIONAL CONNECTION SA MGA MANONOOD. Ang Korean drama ay successful dahil sa paggawa nila ng emotional connection sa kanilang mga manonood. Ang mga character ay na-develop sa paraang makaka-relate ang mga manonood at maramdaman ang emosyon ng mga karakter. Ang ending ng cliff hanger ay nag-iiwan sa kanila ng pagka-excite para sa susunod na episode.
Marami pang rason kung bakit ang mga Korean drama ay nakakakuha ng malawak na suporta mula sa mga non-Korean follower. Ang pagpasok kasi sa mundo ng K-drama ay parang tulad din sa pagpasok ng fantasy world, ngunit para sa mga fans, nakahanap sila ng isang reality mula sa magical place na iyon.
Ang mga Koreanovela ay patuloy na magpapainit sa puso ng lahat ng Pilipino hanggang sa nakakaakit ito sa panlasa ng mga manonood.