ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | September 2, 2020
Ang dandelion.
Noong unang panahon, ang dandelion ay inaayawan ng mga tao dahil sa pag-aakalang damo lang ang mga ito at nakagugulo sa kapaligiran. Dahil dito, ito ay binubunot, hindi pinahahalagahan, itinatapon at kasama sa mga sinisindihang mga dahon na nagkalat sa paligid.
Pero nang magdatingan ang mga Chinese, laking-gulat ng mga tao dahil ang dandelion pala ay isang mahusay na halamang gamot sa maraming karamdaman tulad ng mga ito:
Kayang lunasan ng dandelion ang sakit sa tiyan at maging ang karamdaman o sakit sa atay o liver.
Kapag hindi matunawan, dandelion lang ang katapat.
Kapag mahinang kumain o hindi makakain, dandelion lang din ang lunas.
Ang hindi matanggal-tanggal na taghiyawat ay madaling masolusyunan ng decoction o pinakuluang dandelion kung saan ang tubig na ginagamit sa pagpapakulo ay ang ipanghuhugas sa mukha ng may taghiyawat.
Ito rin ang paraan para mawala ang eczema at iba pang sakit sa balat.
Sa pag-inom ng tubig na ginamit sa paglalaga ng dandelion, ang masamang cholesterol ay nakokontrol.
Ito rin ang paraan para makontrol ang sugar level ng mga may diabetes.
Ang mga sakit na heartburn, sakit sa bituka o ulcer ay nalulunasan din ng dandelion.
Sa Chinese, ang tawag sa dandelion ay “pu gong ying”, habang sa Ayurvedic Medicine, ito ay “simhadanti” at sa French, ang dandelion ay “pissenlit”.
Ang mga pangalan na ito ng dandelion ay direktang tumutukoy sa ugat ng dandelion na isang napakagaling at napakalakas na diuretic o madalas magpaihi kahit na ikaw ay natutulog. Gayundin, ito ay tinuturing na “water herbal pills” dahil ito ay diuretic.
Kaya ang dandelion ay unang panlunas ng mga Tsino sa high blood pressure, heart failure, kidney problems, STD, UTI, muscle cramps, pagkahilo at sakit sa ulo.
Ang katas ng dandelion ay panlaban sa Ultraviolet Rays, kaya kung maliligo sa dagat at mainit, maglagas muna ng katas ng dandelion sa katawan.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ang ugat o roots ng dandelion bilang gamot sa cancer. Ang mga paunang resulta ay masasabing positibo naman.
Nakita na ang ugat ng dandelion ay may kakayahang labanan ang cancer cells na sumisira sa selula at kaya rin ng dandelion na buhayin muli ang nasirang mga selula. Gayunman, hindi pa tapos ang pag-aaral sa bisa ng ugat ng dandelion.
Tulad ng nasabi na, hindi pa tapos ang pag-aaral, subalit marami na sa mga nagka-cancer ang nagpatunay na dahil sa pag-inom ng tubig mula sa pinakuluang ugat ng dandelion, nawala ang cancer cells sa kanilang katawan
Good luck!