ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | September 11, 2020
Ang cosmos.
Sa iyong paglalakad, puwede kang makakita ng halamang cosmos sa gilid ng daan, parke at mga lugar na sinadyang taniman ng cosmos na nakapalibot sa mga kabukiran, compound at daanan na pinalamutian ng cosmos plants.
Samantalang ang mga pangkaraniwang magagandang halaman, gaanuman sila kaganda ay paisa-isa o minsan ay dalawa o tatlo ang bilang ‘pag itinanim, pero ang cosmos ay libu-libo ang buto na inilalagay sa lupa kaya naman nasa daan-daan ang bilang nito ‘pag namulaklak.
Nagsisilbi itong bakod sa mga haradin at parke at malakas humatak ng mga tao kung saan parang nagagayuma sila sa ganda ng cosmos, kaya kung hindi man sila huminto para titigan ay tiyak naman na ang cosmos ay kanilang susulyapan.
Ang salitang “cosmos” ay mula sa Greek word na “Kosmos”, na ang kahulugan ay “beautiful,” kaya ano ang pinakamaganda sa lahat ng bulaklak? Ano pa nga ba kundi ang cosmos.
Ganito ang sabi, “Mas bagay sa babae ang magandang porma at may inner beauty pa.” Kumbaga, maganda sa tingin, pero wala namang kagandahang panloob. Eh, ang cosmos kaya, may beauty within din ba sa kabila ng kanyang nakaaakit na gandang panlabas?
Ang sagot ay yes na yes.
Sa Malaysia, may tinatawag na “Ulam”, na ang tinutukoy ay grupo ng mga tradisyunal Malay vegetables na pangkaraniwang kinakain nang hilaw o hindi gaanong niluluto. Sa Malaysia, ipino-promote ng kanilang Ministry of Health ang pagkain ng ulam sa ilalim ng Malaysian Dietary Guidelines, gayundin, ang cosmos ay kabilang sa Ulam.
Sa ginawang pag-aaral ng kanilang National Health and Nutrition Examination Survey, napatunayan na kapag kinain ang salad o raw vegetables sa grupo ng Ulam, tumataas serum level ng mga bitamina, tulad ng Vitamins C, E, folic acid, β-carotene at lycopene na makikita sa cosmos at iba pang gulay na kabilang sa Ulam.
Gayundin, ang comos ay kinikalalang “King’s Salad” sa Malaysia dahil ito ang pinakapaborito ng lahat ng naging hari roon. Ang dahon ng cosmos ay kinakain nang hilaw, gayundin ang talbos nito.
Bukod sa masarap, ang cosmos ay ginagamit din sa panggagamutang herbal.
Ayon sa tradisyon ng herbal medicine, narito ang ilang kakayahan ng cosmos:
Pinalalakas ang blood circulation
Pinatitibay ang mga buto
Pinabababa ang lagnat o body heat
Panlaban sa pagtanda kaya ang cosmos ay anti-aging agent
Gamot din ang cosmos sa mga impeksiyon
Narito naman ang mga espesyal at powerful content ng cosmos:
Ascorbic acid
Quercetin
Kaemfherol
Chlorogenic acid
Caffeic acid
Ferulic acid
Anthocyanin
B-Carotine
Ang mga ito ay makukuha sa pagkain ng dahon, usbong at bulaklak ng cosmos.
Sa susunod na may madaanan kang cosmos, luminga-linga ka muna dahil baka may hardinerong nagbabantay. Kumuha ka ng ilang dahon at bulaklak, gawin mong salad at sure na masasabi mong “Cosmos is like a lady who is more than just a beauty.”
Good luck!