top of page
Search

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | November 9, 2020




Ang patola.


Ngayong tag-ulan, ang isa sa pinakasikat na halamang gulay ay patola. Kumbaga, napapanahon ang patola sa mga araw na ito. Anumang araw o sandali, puwede kang makabili ng patola sa mga palengke.


Noong una, ang patola ay inakalang pangkaraniwang sangkap lang sa pagluluto. Dahil sa sarap ng patola, iba’t ibang klase ng lutuin ang nilalagyan nito. Sa ngayon, ang patola ay sikat sa mga mahilig kumain ng mga instant na pansit dahil ito ay nagpapasarap sa putaheng ito.


Kaya sa lahat ng klase ng mga gulay, patola ang hindi nagpapaiwan, kumbaga, sumabay siya sa kung ano ang uso at masarap.


Ang maganda sa patola ay masarap na, nakapagpapagaling pa ng maraming karamdaman.


  • Mayroong Vitamin B5 ang patola at ito ay panlaban sa bad cholesterol. Gayundin, ang patola ay mayrooong triglycerides na tumutulong para maiwasan ang cardiovascular diseases.

  • Taglay ng patola ang iron na nakatutulong para madala sa ang oxygen sa utak nang sa gayun ay makapagtrabaho ito nang maayos. Ang kakulangan sa iron ay magiging dahilan ng poor memory, kawalan ng ganang makisalamuha sa kapwa at pananamlay ng katawan na para bang ang tao ay walang kasigla-siglang mabuhay.

  • Ang katas ng patola ay nagpapalakas ng immune system para labanan ang mga bakterya at virus.

  • Panlaban din ang patola sa diabetes dahil mayroon itong manganese na tumutulong para makabuo ng insulin.

  • Mayaman din ang patola sa Vitamin A, na nakakatulong para labanan ang pagkabulag at panlalabo ng mga mata.

  • Mayaman din ang patola sa potassium na bumabalanse ng fluid na nasa katawan para marelax ang mga muscles. Ang mababang potassium ay dahilan ng muscle cramps, spasms at pain o sakit ng mga kalamnan.

  • Sa pagkain ng patola, ang rayuma ay nawawala dahil ang patola ay mayaman sa copper na umaakto bilang anti-inflammatory.

  • Gamot sa anemia ang patola dahil ito ay mayaman sa Vitamin B6 na tumuutulong para makapag-produce ng hemoglobin ang katawan.

  • Umaakto rin ang patola na blood purifier, na may kakayahang alisin ang mga nakalalasong elemento na nasa dugo. Kaya ang patola rin ay nagpapalusog ng liver.

  • Malaking tulong din ang patola sa mga hindi matunawan dahil umaakto ito bilang laxative.

  • Sa taglay na Vitamin C ng patola, ito ay nagpapaganda ng kutis.

Maraming medicinal benefits ang patola kaya hindi lang ito masarap dahil ito rin ay kinikilalang isa sa mga pinakasikat sa mundo ng herbal medicine.

Good luck!

 
 

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | November 6, 2020




Ang okra.


Noong 2011, nagsagawa ang mga dalubhasa ng pag-aaral tungkol sa okra kung ito nga ba ay gamot sa diabetes. Pinakain ng powder form ng okra ang mga daga na may diabetes at pagkatapos ng isang buwan, ang blood sugar ng mga daga ay bumaba at naging normal.


Sa ginawang pag-aaral, napabalita na ang okra ay mabisang halamang gamot laban sa diabetes.


Noong 2019, muling nagsagawa ng pag-aaral kung talagang epektibo ang okra laban sa diabetes, at napatunayan na ito ay tunay na nakagagamot sa diabetes. Dito na sumikat nang todo ang okra bilang magaling na halamang gamot sa diabetes.


Dahil dito, isa-isang naglabasan ang mga patotoo ng mga taong may diabetes na sila ay gumaling dahil sa okra at ang bilang ng nagsigaling ay libu-libo na at nadagdagan pa.


Ayon sa kanila, ang tatlong piraso ng okra na hiniwa at ibinabad sa isang basong tubig sa buong magdamag ang kanilang ininom sa mga sumunod na araw. Ito ang naging pormula na kinikilala ng mga gumagamit ng okra bilang gamot sa diabetes.


Hindi naman masamang subukan, ang masama ay hindi ka makipaglaban sa sakit na ito. Subukan mo ito nang iyong malaman kung matutulungan ka ng okra laban sa iyong sakit.


Kakaiba talaga ang galing at husay ng okra dahil ngayon ay muli siyang isinabak sa siyentipikong pag-aaral at sa pagkakataong ito, pag-aaralan kung kaya nitong labanan ang cancer cells dahil napakarami rin ng nagpapatunay na sila ay gumaling sa cancer nang dahil sa okra.


Hindi pa man lumalabas ang pinal na resulta, may mga paunang balita na positibo ang okra na nakapapatay ng cancer cells.


Sa kabuuang health benefits ng okra, narito ang kanyang nutritional value. Ang isang tasa ng orka ay may mga sumusunod na nutritional facts:

  • 33 calories

  • 1.9 g protein

  • 0.2 g fat

  • 7.5 g carbohydrates

  • 3.2 g fiber

  • 1.5 g sugar

  • 31.3 milligrams (mg) Vitamin K

  • 299 mg potassium

  • 7 mg sodium

  • 23 mg Vitamin C

  • 0.2 mg thiamin

  • 57 mg magnesium

  • 82 mg calcium

  • 0.215 mg Vitamin B6

  • 60 micrograms (mcg) of folate

  • 36 mcg of Vitamin A

  • Iron

  • Niacin

  • Phosphorus

Good luck!

 
 

Anahaw, epektib na gamot sa diarrhea, panlaban pa sa peklat

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | November 4, 2020




Ang anahaw.


Sikat na sikat ang anahaw, lalo na rito sa ating bansa dahil ito ay ginagamit na bubong sa bahay. May isa pang ginagamit bilang bubong at ito ay ang pawid na mula naman sa dahon ng sasa.


Pero ang sasa o nipa hut ay tumutubo lang malapit sa body of water, samantalang ang anahaw ay tumutubo sa lupa at dahil mas malawak ang kalupaan, mas maraming anahaw kaysa sa nipa hut. Bukod pa rito, mas maganda ang bubong na gawa sa anahaw dahil sa tingin pa lang ay maaakit ka na sa ganda ng anahaw na parang pamaypay. Mas madali ring ikabit ang mga anahaw sa bubong kaysa sa nipa hut na mabusisisi bago maging pawid o bubong.


Ang anahaw din ay tradisyunal na ginagamit bilang halamang gamot. Sa mga malalayong lugar na walang mga doktor, botika, medical clinics at ospital, malaki ang naitutulong ng anahaw sa mga may karamdaman.


Tulad ng pagtatae o diarrhea na kapag hindi naagapan ay nakamamatay. Ang totoo nga, ayon sa mga datos, diarrhea ang numero-unong dahilan ng pagkamatay ng mga nasa malalayong probinsiya. Kahit naman sa mga siyudad, ang diarrhea ay ganundin, mamamatay ka kapag hindi mo ito nasolusyunan.


Ang pinakuluang dahon ng anahaw ay gamot sa diarrhea, kaya ang mga bahay sa malalayong lugar at probinsiya ay may nakatagong pinatuyong dahon ng anahaw. Anumang oras, ito ay kanilang pakukuluan, kaya ang diarrhea o pagtatae ay malulunasan.


Mahirap magkasakit sa probinsiya, pero mas mahirap magka-diarrhea sa dis-oras ng gabi dahil kadalasan, ito umaatake sa gabi. Kaya paano kung ang bahay ay malayo sa mga ospital? Sa gabi rin, ang mga doktor ay wala dahil natutulog na at sa gabi, sarado rin ang mga botika. Ang sagot sa ganitong sitwasyon ay magtabi ng mga pinatuyong dahon ng anahaw para palaging handa kung magkaroon ng diarrhea.


Gamot din ang dahon ng anahaw sa mga sugat, lalo na sa bago o sariwang sugat. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagdurog o pagdikdik ng dahon ng anahaw at itatapal o ilalagay sa mga sugat.


Ang maganda sa dahon ng anahaw bilang panlunas sa sugat ay maiiwasan ang pagkakaroon ng peklat ang balat dahil ang dahon ng anahaw ay pangontra rin dito.


Ipinaliligo rin ang tubig na pinagpakuluan ng dahon ng anahaw dahil ito ay anti-bacterial. Kaya ginagamit din ito bilang pampaligo at panghugas ng mga kamay.


Ang bunga ng anahaw na pinatuyo sa araw o sun dry, kapag dinikdik at ginawang pamalit sa kape o tsaa ng mga may cancer, sila ay magsisigaling dahil ang bunga ng anahaw ay anti-cancer din.


Kaya ang anahaw ay hindi lang nagbibigay ng proteksiyon sa mga bahay kapag ginamit na bubong dahil ito rin ay nagbibigay-proteksiyon laban sa sakit na nakakamatay.

Good luck!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page