Amoy ng pinakuluang sampalok, pampalakas ng immune system!
ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | June 27, 2020
Ang sampalok/tamarind.
Nakilala ang Pilpinas sa buong mundo dahil sa iba’t ibang masarap na lutuin tulad ng adobo, paksiw at sinigang.
Tiyak na ang sipon ay gagaling dahil sa sinampalukang manok at ang iba pang respiratory illness ay nalulunasan nito.
May sipon ka ba? Subukan mong kumain ng sinampalukang manok. Try mo, wala namang mawawala sa iyo kapag sinunod mo ang advice na ito. Ang totoo nga, baka may madagdag pa sa listahan ng iyong paboritong ulam at ito ang sinampalukang manok.
Ang gamit sa sinampalukan ay ang usbong ng tamarind dahil ito mismo ang nagpapasarap sa mga lutuin. Pero hindi lang ito masarap dahil ito rin ay sobrang bango. Kaya nga sa mga lutuing Pinoy, ang sinampalukan ay isa sa pinakamabangong ulam.
Pero hindi lang sa pagkain o pagluluto sikat ang sampalok, partikular na ang mga dahon, dahil ang mga dahon ng sampalok ay ginagamit na pampaligo ng kababaihang bagong panganak. Isang tradisyunal na gawain ito rito sa atin kung saan ang bagong panganak ay naliligo bago tumabi sa asawa.
Medyo nakakagulat ang ganitong nakaugalian, pero ganu’n ang nakagisnan sa malalayong probinsiya na dapat munang maligo ng pinakuluang dahon ng sampalok ang babaeng nanganak bago tumabi sa kanyang asawa.
Ayon sa mga tradisyunal na mga herbularyo, ang tulad ng mga dahon ng sampalok ay may kakayahang patayin ang mikrobyong kumapit sa nanganak at tulad ng nasabi na, ang babaeng naligo sa tubig na pinakuluan na may mga dahon ng sampalok ay babango at mas mabango pa kaysa sa mga mahilig gumamit ng pabangong gawa sa kemikal.
Ayon din sa mga herbularyo, ang amoy ng pinakuluang sampalok ay nagbibigay ng added power sa immune system kung saan nasa todong lakas ito.
Kaya pampaligo man o sangkap sa mga ulam, ang dahon ng sampalok na pinakuluan – hindi pa man aktuwal na kinain—ay may medicinal na benepisyo na.
Narito pa ang ilang kaalaman tungkol sa sampalok, ang isang tasang sampalok ay nagtataglay ng mga sumusunod:
Magnesium: 28% of the RDI (reference daily intake)
Potassium: 22% of the RDI
Iron: 19% of the RDI
Calcium: 9% of the RDI
Phosphorus: 14% of the RDI
Vitamin B1 (thiamin): 34% of the RDI
Vitamin B2 (riboflavin): 11% of the RDI
Vitamin B3 (niacin): 12% of the RDI
Vitamins B5, B6, B9, C at K
Copper
Selenium
Ang mga nasa itaas ang sustansiyang makukuha sa pagkain ng sampalok. Kaya bukod sa mga dahon at usbong, talagang number one ang sampalok sa larangan ng panggagamot. Dahil na rin sa ang ibang halamang gamot, nagagamit ang maraming bahagi na hindi kasing sarap ng bunga, dahon at usbong ng sampalok.
DAGDAG-KAALAMAN: Gusto mo bang magkaroon ng year-long-supply ng usbong ng sampalok? Siyempre, oo ang sagot mo para sa tuwing gusto mong magluto ng sinampalukan ay may makukuha kang usbong ng sampalok.
Simple lang ang paraan, alisin mo ang mga dahon ng sampalok sa kanyang sanga at makikitang magkakaroon ito ng mga bagong usbong. Gawin ito sa tuwing maiisip mo na masarap na magluto ng sinampalukan.
Good luck!