ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | August 24, 2020
Ang rambutan.
Kakaiba ang rambutan kaysa sa mga pangkaraniwang prutas dahil may mga pahabang patusok na bahagi ng balat nito. Ito ay tinatawag na “buhok” ng bunga ng rambutan, pero hindi ito balahibo, kumbaga, ito ay hair-like lang at hindi tunay na buhok.
Sa totoo lang, ang salitang “rambutan” ay mula sa Malay word na “rambut” na ang kahulugan ay “hair” at ang rambutan naman ay “hairy fruit.”
Ang rambutan ay mayaman sa nutrients and antioxidants.
Ang apat na bunga ng rambutan ay may 1.3 hanggang 2 grams ng fiber. Mayaman din ito sa Vitamin C at sa pagkain ng lima hanggang anim na piraso ng rambutan, makakakuha ng 50% daily Vitamin C needs ng tao. Ang Vitamin C ay isang mabisang antioxidant.
Mayroon din itong copper na nagpapalakas ng buto, utak at puso. Gayundin, mayroon itong manganese, phosphorus, potassium, magnesium, iron at zinc.
Ang rambutan ay nagtataglay ng sapat na dami ng copper na may malaking naitutulong sa paglaki at maintenance ng mga cells, gayundin sa buto, utak at puso.
Mula sa apat na bunga na kakainin, maaaring makakakuha ng 20% daily copper needs, habang 2% hanggang 6 % na ng daily recommended amount ng mga nutrients na nabanggit.
Ang mismong balat at buto ay kinakain din ng ilang tao, pero bilang pagtatapat, ang balat at buto ay hindi ikinukonsidera na puwedeng kainin ng tao. Sa ilang pag-aaral, ito ay toxic sa tao kaya hindi ito dapat kainin.
Kaya sa pagkain ng rambutan, dapat iwasan na makain ang buto at balat. Gayunman, patuloy na pinag-aaralan ng mga dalubhasa ang tungkol sa balat ng rambutan dahil may isang palatandaan na ito ay puwedeng maging anti-viral, anti-bacterial at anti-fungus.
Sa mundo ng herbal medicine, ang rambutan ay ginagamit na:
Pantulong sa digestion kung saan nalulunasan nito ang hirap sa pagdumi.
Gamot din ito sa rayuma, sakit sa kasu-kasuan at mga buto na sugpungan o joints na namamaga. Ganundin sa mga daliring tumitigas ang mga joints.
Maganda ang rambutan para sa mga nagpapapayat, kaya nakakatulong ito para sa weight loss. Kapag kumain ng rambutan, malabo ang mag-over-eating.
Napakaganda rin ng rambutan para sa mga taong nakararanas ng pagkatuyo ng balat. Mas magandang ugaliin na kumain ng rambutan sa buong panahon ng pamumunga nito dahil mahabang panahon ding gaganda at kikinis ang kutis kahit hindi na panahon ng rambutan.
Kumbaga, dapat tayong kumain nang kumain ng rambutan kapag mayroon nito sa mga fruit stands dahil kahit hindi na namumunga ang puno nito, mamamalaging maganda ang ating balat hanggang sa susunod na panahon nito.
Good luck!