ni Gina Pleñago | May 21, 2023
Napiling host ang Lungsod ng Taguig sa opisyal na paglulunsad ng Meeting of Styles sa bansa, isa sa pinakamalaking taunang graffiti, street art, at mural festival, na naglalayong pasiglahin ang mga koneksyon sa international art community.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, mahalaga ang mga ganitong uri ng okasyon dahil nagbibigay ito ng kulay at pagkakataon sa mga Pilipino na ipakita ang husay at galing nito sa larangan ng sining.
Kamakalawa nang idinaos ang kick-off ceremony ng “Meeting of Styles” sa TLC Park, Laguna Lake Highway, Bgy. Lower Bicutan, Taguig.
Ang mga shipping container sa TLC Park, na dating nagsilbing quarantine facility, ang magiging canvas ng mga artist para sa kanilang mga likhang sining.
Ang mga kilalang local artists kabilang ang Quiccs, Egg Fiasco, Chill, Flip1, Kookoo, Meow, Nevs, EXLD, at marami pang iba ay dadalo upang ipakita ang kanilang mga talento.
Katuwang nila rito ang Department of Education gayundin ang mga Barangay sa lungsod.