top of page
Search

ni Gina Pleñago @News | Apr. 5, 2025



Commission on Election

Photo File: Comelec


Poasibleng makansela ang kandidatura ng isang tumatakbong konsehal sa Pasay City. 

Ito ay matapos na kumalat ang balitang mayroong isang kandidato sa pagka-konsehal ng District 2 sa Pasay City na ang mga magulang umano nito ay parehong Chinese. 


Ayon kay Pasay City District 2 Election Officer IV Attorney Alvin Tugas, sa pamamagitan ng matatanggap na reklamo laban sa konsehal kaugnay sa pagkuwestiyon sa kanyang nasyonalidad o citizenship ay magagamit ito sa posibleng kanselasyon ng kandidatura nito. 


Paliwanag pa ni Atty. Tugas na kapag napatunayang may maling representasyon ay magamit itong grounds o batayan sa diskwalipikasyon. Aniya, kapag nanalo umano sa eleksyon ay maaaring maghain ng quo warranto para sa isyu ng citizenship.


Nilinaw pa ng election officer na sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na reklamo laban sa hindi pa pinangalanang konsehal.


Samantala, wala pang naitalang insidente ng karahasan na may kaugnayan sa eleksyon sa District 2 sa lungsod mula nang umarangkada ang lokal na kampanyahan.


 
 

ni Gina Pleñago @News | Mar. 4, 2025



Chief Usec. Gilbert Cruz sa ilegal ng POGO - PAOCC

Photo File: Chief Usec. Gilbert Cruz sa ilegal na POGO - PAOCC


Nababahala si Presidential Anti Organized Crime Commission Chief Usec. Gilbert Cruz na posibleng ginagawang taguan ng mga wanted sa China at ibang bansa sa Southeast Asia ang illegal POGO sa bansa.


Sa pamamagitan ng biometrics, nakumpirma ang 13 fugitives mula sa China na may kasong illegal gambling, online fraud at online scamming na kabilang sa mga nahuling 400 banyaga sa na-raid na The One Wheels Condominium o ang guerilla type POGO o scamming hubs sa Pasay.


Ang mga naaresto ay mula China, Korea, Malaysia, Vietnam,  Indonesia, Cambodia, Myanmar at Madagascar, at na-verify ang 13 wanted mula China sa pamamagitan biometrics.

 
 

ni Gina Pleñago @News | Feb. 17, 2025



Bataan Nuclear Power Plant - Manny Pacquiao - FB

Photo: Bataan Nuclear Power Plant


Iginiit ni dating Senador Manny Pacquiao na dapat magkaroon ng malinaw at pangmatagalang solusyon sa problems sa power supply.


Binigyang-diin ni Pacquiao na malaking sagabal sa paglago ng ekonomiya ang pagkakaroon ng 'di maaasahang power supply na nagreresulta sa pagkadismaya ng mga mamumuhunan na nagbabalak magtayo ng negosyo sa bansa.


“Dito sa ating bansa ang number one na problema natin ‘yung power supply. At kaya nagdadalawang isip ‘yung mga namumuhunan na pumasok dahil nga may problema tayo sa power supply. Siyempre alam naman natin pagka problema ‘yan, malaking kawalan o disadvantage sa negosyo 'pag laging brownout,” ani Pacquiao sa isang press conference.

Para matugunan ang problemang ito, isusulong umano ni Pacquiao ang pagbuhay at pagtatayo ng Bataan Nuclear Power Plant.


"Sa akin, dapat mayroon tayong talagang sarili nating nuclear power plant like 'yung sa Bataan kasi kung ganito nang ganito tayo, mabagal talaga, mabagal pa sa pagong ‘yung magiging development ng ating bansa," ani Pacquiao.


"Not like other countries na 'yung talagang progresibo at developed talaga 'yung country nila because talagang doon sila naka-focus. Sabi ko nga, talagang kailangan saanmang sulok ng bansa natin, lalo na sa mga highly organized city, 'yung mga fiber optic cable, papalitan na para hindi na magkakaroon ng problema."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page