ni Gerard Arce @Sports | August 24, 2024
Mga laro ngayong Sabado
(University of Bangued Gymnasium)
4 n.h. – Imus vs. Pasay
6 n.g. – Binan vs. Sarangani
8 n.g. – Valenzuela vs. Abra
Nagpamalas ng mahusay na atake si Juneric Baloria upang pangunahan ang hometown bet Batangas City Rhum Masters para kabugin ang South Cotabato Warriors upang makapagtala ng malaking agwat sa puntusan sa 2nd quarter tungo sa panalo para maiselyo ang ikatlong sunod na panalo sa bisa ng 91-82 sa main battle noong Miyerkules ng gabi ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 6th Season na ginanap sa Batangas City Coliseum sa Poblacion, Batangas City.
Iniangat ng 2013 NCAA Rookie of the Year mula UPHSD Dalta Altas ang 21 puntos kasama ang dalawang free throws, 6 assists para sa ika-17 panalo at 7 talo ng Batangas City. Sumuporta rin sa koponan na makamit ang solong ikatlong puwesto sa South Division sina Cedric Ablaza sa 19 puntos, Levi Hernandez sa 17 puntos at 2 rebounds, Jeckster Apinan sa 12 puntos, 10 rebounds at Carlos Isit sa 9 puntos.
Angat para sa South Cotabato si Val Acuna sa kinargang 20 puntos kasama ang 2 rebounds at isang assist, gayundin ang ambag nina Nico Elorde sa 12 puntos, Jammer Jamito sa 12 puntos, 7 boards at 2 blocks at John Paul Calvo na may 12 puntos, na bumagsak sa 15-9 kartada.
Natakasan ng Zamboanga Master Sardines ang Davao Occidental Tigers sa 67-65, gayundin ang Negros Muscovados ang Muntinlupa Cagers ELBURG Paramount sa 80-77 sa naunang dalawang laro ng single-round robin ng 29-team tournament.
Patuloy na nanguna para sa Zamboanga, na pinutol ang kanilang two-game losing skid, si dating league MVP Jaycee Marcelino sa 24 puntos. Lumista rin sa iskoring sina Pedrito Galanza Jr, na nagselyo ng panigurong free throw sa walong puntos.