ni Gerard Arce @Sports | August 13, 2024
Mga laro ngayong araw (Martes)
(Philsports Arena, Pasig City)
1:00 n.h. – Chery Tiggo vs Choco Mucho
3:00 n.h. – Creamline vs Petro Gazz
5:00 n.h. – PLDT vs ZUS Coffee
Masusubok ang katatagan at magandang simula ng mga top teams mula sa Pool A na Creamline Cool Smashers at Chery Tiggo Crossovers sa pakikipagharap sa mga contender’s ng liga na defending champion Petro Gazz Angels at Choco Mucho Flying Titans, ayon sa pagkakasunod upang makakuha ng puwesto sa q'final round ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference ngayon sa Philsports Arena, Pasig City.
Pare-parehong may 4-1 kartada ang PLDT, Creamline at Chery Tiggo papasok ng crossover eliminations, habang nasa tuktok ng liderato ang walang talong Akari Chargers (6-0) at sumesegundang Cignal HD Spikers (5-1).
Patuloy na nahihirapang makausad ng magandang laro ang Choco Mucho sa kawalan ng star spiker at dating MVP na si Sisi Rondina na patuloy na kumakampanya para sa Alas Pilipinas, habang matamlay ang ipinapakitang laro ni import Zoi Faki na nag-ambag ng nakapanlulumong 3 puntos laban sa Petro Gazz. Nakapagbigay man ng karagdagang puwersa ang pagpasok ni Dindin Manabat, nananatili pa ring hinahanapan ng tulong mula sa opensa ang iba pang mga kakampi upang makapasok sa quarterfinals.
Kahit naman wala ang mga pambatong manlalaro na sina Eya Laure at Jen Nierva na nasa Alas Pilipinas at EJ Laure na mayroong injury, patuloy namang nagpapamalas ng husay at tikas ang ibang manlalaro ng Chery Tiggo na sina Ara Galang, Pauline Gaston, Shaya Adorador, Aby Maraño, Seth Rodriguez at Mary Rhose Dapol, gayundin ang maaasahang import na si Kath Bell para manatiling nagwawagi ang koponan.
Nananatili namang matatag ang pwersa ng eight-time league champions na Creamline na kahit wala ang injured star na si Tots Carlos at Jema Galanza na nasa Alas Pilipinas.